BEXTON
"Kumusta na pala si Sir Ruffus?" Tanong ni Oscar na nakatutok sa phone niya, he's still playing his game. Alistair and Oscar was on my house, hindi ko rin alam kung bakit.
"He's fine, nagstay muna siya sa library niya. Wala pa siyang new work but he's managing, he's still teaching kids though," Kwento ko. Alistair casually nodded, pansin ko rin na kanina pa siya tahimik.
Actually, both of them are, busy sa mga phone, kaya medyo naninibago ako kasi kadalasan sila ang maiingay. "May gusto ba kayong kainin?" Alistair shook his head, eyes glued on his device kaya dun na ako nagduda.
May kausap siguro 'to, it's been like month? Gan'yan na siya. Maybe he's starting to get serious sa natitipuhan? Hindi naman din pinapansin ng iba since busy sila sa kanya-kanyang gawain.
Malapit na rin kasi matapos school year kaya need ipasa lahat ng requirements and mga kailangang ipasa.
Si Oscar naman, balita ko ay kausap pa rin niya ang sugar daddy niya. Arian and Jerris warned him about being a fraud but he's not even listening. Napabuntong hininga na lang ako sa dalawa.
"May pupuntahan ako mamaya, dumaan lang ako," Said Alistair at tumango ako. Tiningnan ko naman si Oscar na biglang pinatay ang phone, "Speaking of pupuntahan, Dennis invited us sa Linggo para sa last party ngayong year and need ko na rin umalis, may trabaho pa'ko."
Ngayon ko lang din nalaman na may trabaho si Oscar, puro mga part time, isa rin siyang delivery boy ng isang Cookie Shop na trending ngayon dahil masarap ang pastries. As far as I remember it was Rookies Pastries.
Tumango ako at hinatid na sila sa labas. They both waved, sinabay na naman ni Alistair si Oscar kaya I just said my goodbye at muling pumasok sa loob.
Sakto namang nag vibrate ang phone ko.
Mama: Hi, babyyyy. Nandito kami ni papa mo sa Baguio, kumusta ka na d'yan?
I smiled when she sent me a picture of her and papa na naka halik sa kanyang pisngi.
Bexton Morris: hindi n'yo ako sinama :(
Mama: Pasama ka sa Boyfriends mo :p
Natawa ako when I read mama's text. Matapos talaga nun they are so fond of Ruffus and Rafael, kung minsan sa kanila sila nagcha-chat just to check up on me.
Lagi rin kasi nakatambay sa bahay ko si Rafael, si Ruffus naman ay busy kaya pa-minsan-minsan naman ay pumupuunta na lang ako sa kanila or sa Library. Magre-reply pa lang sana ako ng mag-chat sa'kin si Kent.
Kent and I are closer now, madalas ay siya ang kasama ko. Medyo ilap pa siya kila Alistair dahil sa nangyari but I hope na magka-ayos na ang lahat.
Kent Salvano: Hey.
Bexton Morris: Hi, how's Kyon?
Kyon was the name of his daughter.
Kent Salvano: Ok lang, nagmamaktol nga, gusto ka raw makalaro.
I chuckle nang mabasa 'yon, Kyon was a 6-year-old girl, friendly at mabait, mag 7 na sya this year kaya nag-iisip na ako ng pwedeng iregalo.
Bexton Morris: Tell her na I'll visit her kapag may free time ako.
Bexton Morris: Oo nga pala, Kent. Sasama ka sa last year party ni Dennis?
Kent Salvano: Yung Crim? Nah.
Bexton Morris: whyyy?? Masaya dun, promise
Kent Salvano: Ayoko sa kalbo.
Magtatanong na sana ako kung bakit galit na galit siya kay Dennis, mas galit pa yata siya dun kumpara kay Darrel na binugbog siya.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)
RandomBL story A relationship between three people, An Obsession of Love. But what if you're stuck in between? What if you need to choose? Who will you pick? Sweet like an Apple Sharp like a blade, It will hurts. PSYCHOTIC THREESOME