BEXTON
It's been 1 week, hindi ko na nakakasama mga kaibigan ko. Kahit si Rafael and Ruffus, after that day ay wala na silang paramdam sa’kin kaya halos magmuk-mok ako sa bahay.
Mama and papa keep assuring me na baka may ginagawa lang daw, I trust the two naman but of course hindi ko naman maiiwasang hindi mag-alala.
Ano na kayang nangyari dun…?
Napatingin ako sa phone ko when a message from Sir Desmon pop up. Medyo disappointed since I thought it's from Ruffus or Rafael but I checked it out anyway.
Desmon Buen: Are you free tonight?
Bexton Morris: Um yes po, why?
Desmon Buen: may banda na tutugtog mamaya sa plaza sa malapit dito, wanna join me?
Nung una I was excited but then I remember na hindi ko makakasama sila Ruffus and Rafael kaya binura ko ang ti-ny-type ko sa GC naming tatlo inviting them.
But then I thought about the others but them seem so busy kaya nahihiya akong manggulo.
Gusto ko sanang umayaw kay Sir Desmon but nakakahiya namang tumanggi dahil nagsabi na akong free ako later. Bumuntong hininga ako at nagtype ng sasabihin.
Bexton Morris: sure po, anong oras po ba?
Desmon Buen: great!
Desmon Buen: 8 sounds good?
Bexton Morris: sige po, magkita na lang po tayo sa plaza, alam ko naman po papunta
Desmon Buen: alright, see you Bexton!
Nawalan ako ng gana magreply kaya binack ko na lang ang convo namin.
I was scrolling through FB. I keep seeing Oscar’s posts, I think it's a K-pop concert? Hindi naman siya mahilig sa K-pop ah? Inaasar niya pa nga minsan si Topher kapag nakikinig ng K-pop songs.
Kaya siguro walang paramdam ‘to kasi nasa concert…good for him though, at least he’s finally living his life. I wonder if galing sa Sugar Daddy niya ang pera…
Pero ang inaalala ko ay bakit walang Alistair? Kadalasan siya ang nangunguna sa comments and reacts sa mga posts namin but ngayon wala?
Sinearch ko tuloy yung name ni Alistair pero wala akong nakita kaya naningkit ang mata ko. I tried contacting him but naka patay ang phone.
Sa pag-aalala ko ay I tried asking the others but some of them are busy at hindi alam kung anong nangyari so I took matter on my own hands.
Kinuha ko ang wallet ko and my keys bago tumungo sa labas. I grabbed my car and start the engine at tinungo ang bahay ni Alistair.
Bago pa ako makarating sa pinaka bahay niya ay may nadaanan akong cafe. It was a cozy one and a very modern type of shop.
Pinark ko ang sasakyan and got out. Kahit sa labas ay amoy mo agad ang aroma ng tinapay at kape, hindi ko tuloy maiwasang hindi maglaway.
I never knew that there was a cafe like this dito.
Pagpasok nang pagpasok ay winelcome agad ako ng mga staff. Titig na titig ako sa kanilang lahat kasi yung limang staff ay iba’t ibang kulay ang buhok, para bang power rangers.
“Welcome, sir!” Ngiting bati sa’kin ng blonde hair na lalaki.
“Thank you,” Ngiti kong bati pabalik. Tumungo ako sa counter at tiningnan ang menu nila, sobrang dami nun.
To different kinds of coffees, pastries, even meals, and shakes.
“Hello, sir. Order as you are ready,” Bati sa’kin ng isa sa staff. He looked different since black hair siya, magkatangkaran lang din kami and he’s a good-looking one, kagaya ko ay he has a fit body, maputi lang ako ng onti.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)
RandomBL story A relationship between three people, An Obsession of Love. But what if you're stuck in between? What if you need to choose? Who will you pick? Sweet like an Apple Sharp like a blade, It will hurts. PSYCHOTIC THREESOME