BEXTON - Warning
"Thank you Lord!!" Sigaw ni Alistair at lumuhod pa.
"Tang ina, pare. Sinong Panginoon mo? Parang hindi si Lord," Asar ni Oscar kaya nakatanggap siya ng tadyak.
"Raulo, hirap kaya ng law."
"Sino ba kasing nagsabi sa'yong mag-law ka?" Bara ni Darrel at nakatanggap lang siya ng gitnang daliri galing kay Alistair.
Tapos na ang school year kaya naman tuwang tuwa ang lahat dahil bakasyon na.
"Sino pa ba ang inaantay?" Tanong ni Oscar na umiinom ng tubig. Pansin ko na bago ang tubigan niya, hindi lang basta tubigan, it looks like yung mga mamahaling tumbler.
Nakakaipon na pala siya? Good for him.
"Si Topher and Kent," Sagot ni Darrel. Tumungo muna kaming apat sa bench para dun mag-antay.
"Oo nga pala, have you heard may bagong professor? Sasusunod na pasukan pa natin makikilala," Kwento ni Alistair kaya napunta sa kanya ang atensyon namin.
"Really? Siguro naghanap uli since umalis si Sir Ruffus." Alistair shrug sa sinabi ni Darrel.
"Ah oo, balita ko nga nakulong na 'yon. May issue yata, tinanggap pa ng university?" Takang tanong ni Oscar.
"Baka kamo nay kapit, you know the system."
Napangiwi na lang ako sa kwentuhan nila. Parang ayoko makilala yung new professor.
Ilang sandali ay dumating na si Topher, kasama si Kent kaso nagulat kami nang makitang may pasa si Kent at halatang dehado. We quickly run towards them at inalalayan si Kent dahil akay-akay lang 'to ni Topher.
"Dude, ayos ka lang?" Tanong ni Oscar.
"What the fuck happened?" Inis na tanong ni Darrel.
"Tara sa Clinic," Pag-aalala kong aya but Kent refuse.
"Bibili pa'ko ng birthday ng anak ko, pre. Ayokong gabihin." He tried to walk pero halatang pilay kaya natutumba. Darrel and Oscar pulled him para umupo muna.
"Anong nangyari?" Tanong ni Alistair kay Topher na umiiyak kaya dumoble ang pag-aalala ko.
"Kasalanan ko, pasensya na...kasalanan ko..." iyak ni Topher kaya mabilis kong kinuha ang panyo and gave it to him habang hinihimas ang kanyang likod.
May mga students na pinatitinginan kami but Darrel shoo them away with his glare kaya nagkaroon kami ng privacy kahit papaano.
"Topher, tumahan ka muna...ano bang nangyari?" Alistair was panicking this time dahil halos hindi na makahinga si Topher sa kaiiyak.
"May mga gagong nagtangkang hubaran si Topher. Buti na lang kamo nakita ko," Sumbong ni Kent. All of us went silent, sobrang...tahimik.
"Sino?" Putol ni Darrel sa katahimikan. His voice was cold.
"Mga crim," Iyak ni Topher. "Sila yung nasa party ni Dennis, na-mukhaan nila ako sa party and they harassed me dahil nakapambabae akong damit nun."
Akmang aalis sila Darrel but pinigilan ko sila. "Get the fuck out of our way, Bexton," Inis na utos ni Darrel pero sinenyasan ko sila sa padating.
Agad naman nilang naintindihan 'yon.
"Yo, bros!" Nakangiting bati ni Dennis na kasama si Hostel sa kanyang likod. Natigilan ang dalawa nang makita ang kalagayan namin ngayon.
Hostel quickly embraced Topher and tried calming him down, parang bata si Topher na yumakap kay Hostel at malakas na umiyak.
Habang si Dennis naman ay nakakunot ang noong nakatingin kay Kent. "Tinitingin tingin mong kalbo ka?"
BINABASA MO ANG
PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)
RandomBL story A relationship between three people, An Obsession of Love. But what if you're stuck in between? What if you need to choose? Who will you pick? Sweet like an Apple Sharp like a blade, It will hurts. PSYCHOTIC THREESOME