chapter seventeen.

1.6K 82 231
                                    

BEXTON

Nasa mall kami, bumibili ng gagamitin sa outing. Pero wala pa rin si Alistair at Topher.

"Na-text n'yo na?" Tanong nila Teanna sa amin. We're trying to reach out pero hindi nagre-reply yung dalawa.

Speaking of hindi nagre-reply ay dalawang araw ay walang paramdam si Sir and Rafael sa 'kin. It's been five days.

"Kahapon din ay wala 'yang dalawang 'yan," Puna ni Anja na nakapamewang. Kahapon kasi ay bumili kami ng mga susuotin para sa outing since gusto nila mag picture at new clothes to match the beach resort.

Ngayon naman ay groceries, pero nga wala yung dalawa. "Hayaan na natin, mawawalan lang tayo ng oras," Tumango kami sa sinabi ni Jerris at tumungo sa supermarket at kumuha ng tag-iisang cart.

"Anyway, ako na bahala sa drinks natin. May kakilala ako rito na pwedeng magbigay ng new stocks," Ani ni Teanna at umalis.

Wala yatang araw na wala siyang kakilala, lahat kaya kilala niya eh.

"Pasakay!" Sigaw ni Arian. Binuhat naman siya ni Jerris at sinakay sa cart at siya ang nag-andar.

"Kami rin!" Gabe hop on sa cart ni Darrel, at si Anja ay kay Oscar habang ako ay mag-isang nagstroll. Alam kasi nilang wala ako sa tamang timpla these past few days, hindi na rin nila ako tinatanong but sometimes they check on me.

Ang naka toka sa 'kin ay snacks kaya ayun yung kinuha ko. Wala kasing buffet sa resort or yung mga dining. Cottage lang talaga at kayo ang bahala sa lahat ng dadalhin, may mga beds na and electric stuff but the foods and shower stuff kamo ang magdadala.

Iba rin kasi ang trip ni Anja, she's more on on her own. Ayun din ang kinakatuwa ko sa kanya, she's free and she knows how to do almost everything. She can travel and go anywhere she likes...

"Tititigan mo na lang ba 'yang mga chichirya?" Napatingin ako sa nagsalita and saw a tall man beside me. He's wearing a cap and a plain white shirt.

May kamukha siya bukod sa snatcher, hindi ko lang mapoint-out kung sino.

He looks old pero gwapo naman. Mahiya-hiya akong kumuha ng chichirya at nilagay sa cart na ikinatawa niya. "You're alone?" Umiling ako. "Hindi po, kasama ko mga kaibigan ko."

"You're a student sa University malapit dito?" Tanong niya habang nakatingin sa ID ko. Napatingin naman ako dun. Gusto ko lang suotin, akala ko kasi mag co-commute ako papuntang mall, may discount pa naman kapag student ka.

"Opo," Ngiti kong sagot. He replied with a smile at tumango, "Nandun din ang mga anak ko..."

"Talaga po?" I asked excitedly. Muli siyang tumango, naglakad-lakad kami at kumukuha ako ng mga snacks na pwedeng dalhin sa outing. "Hindi ko alam kung kilala mo sila but they're well-known sa school," Pagkwe-kwento niya.

"They're smart and nice kids," Napatingin ako kay manong dahil biglang nag-iba ang tono niya, mukha siyang malungkot. "Ayos lang ho ba kayo?"

"Yeah, I just remembered something. Anyway, I have to go now, thank you. Nakita ko kasi ID mo and I remembered them," He waved at me and said goodbye. Kumaway na lang din ako.

"Daddy!" Napatingjn ako sa bata na tumakbo papunta sa kanya. Agad niya 'yong binuhat at hinalikan, the little girl was smiling as they approached a pregnant woman saka naglakad palayo.

Mukha talaga siyang may kamukha, sino nga ba?

"Hoy, tulala ka d'yan," Napatingin ako kay Arian na nasa cart pa rin ni Jerris. Nasa cart nila yung pang breakfast, kila Oscar naman ang Dinner, Darrel ang Lunch, sa akin ang snacks while kay Teanna and beverages and alcohol.

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon