chapter thirty.

1K 41 62
                                    

BEXTON

Para akong batang humahagulgol sa harapan nilang dalawa ng walang tigil, kulang na lang mag halumpasay ako.

"Baby," Rafael called me kaya mas lalo lang akong umiyak.

They quickly came to me at pilit akong pinapakalma pero hindi 'yon naging sapat para tumahan ako.

"Please don't say that, Bex." Seryoso ngunit may pagaalalang banggit ni Ruffus at niyakap ako. "Yes, may utang na loob ako sa papa mo but that's not enough for me to risk my education and job para sa'yo..."

Rafael let out a heavy sigh, "I can't believe I'm saying this but he's right. Maraming paraan para bumawi kami, I'm smart, I know what to do and not what to do."

"You mean, we?" Taas kilay na tanong ni Ruffus pero imbis sagutin at nginisian lang siya neto kaya naman tinaas niya ang gitnang daliri at hinarap sa kapatid

Pinahiran ko muli ang mata ko gamit ang palad. "Talaga?" Sabay silang tumango.

"Try remembering, baby. Baka maalala mo," Ani ni Rafael kaya natigilan ako at napakurap.

Wala talaga akong maalala na nakilala ko sila nun...

Ruffus held my hand, "Do you remember the Milo accident? Yung bata ka pa and you almost died dahil sa Milo?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.




"Manang may Milo kayo?" Tanong ko sa tindera. Sumilip naman ang isang matandang babae at napatingin sa'kin pababa. "Jusko kang bata ka sa liit mo akala ko may multo nang nabili."

Napatingin tuloy ako sa paligid. "Saan po?"

"Ilan ba, Hijo?" Pinakita ko kay lola ang isang daliri at binigay naman niya sa'kin yung milo. "Seven pesos."

Napakurap ako at naghanap ng barya sa bulsa ko at ngusong humarap kay lola. "Pwede pong utang?"

"Anong utang?! Hindi ka nga taga ritong bata ka, saan ba magulang mo?"

"Nasa kulungan po."

"Ha?! Ganun ba? Kawawa ka naman, sige na hijo, sa'yo na 'yan..." Naguluhan ako sa biglang pagbabago ng isip ni lola pero nagpasalamat na lang ako at umalis.

Nasa kulungan sila mama at papa kasi may kinakausap silang pulis...

Bumalik na ako sa police station kung saan ko iniwan sila mama at nakita ko ang isang lalaki na naka uniporme na gusot-gusot na mag-isang naka upo sa gilid ng kalsada.

Napatingin siya sa'kin. "Hello," Kaway ko. Kumurap siya bahagya at mahinhin ding kumaway.

Tumingin ako sa loob at nakita kong busy pa sila papa kaya lumapit ako sa kanya at tumabi. "Bakit ka mag-isa?" Tanong ko.

Imbis sumagot ay bumuntong hininga lang siya kaya bumuntong hininga din ako. Napalingon naman siya sa'kin. "Ayos ka lang?" Tumango ako bilang sagot.

"Ikaw?" Mukhang nagulat pa siya sa tanong ko at napatingin sa kamay niyang marumi. "Ayos lang."

Binigay ko sa kanya yung Milo na agad niyang tiningnan, "Akin na lang?"

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon