BEXTON
Nakapasok ako sa condo ko. Pagkakuha ko sa phone ay tinext ko agad si Sir Ruffus na mag-ingat at nagpasalamat na rin, I texted mama na nakauwi na ako para hindi na siya mag-alala.
I take a quick bath dahil sa pawis at amoy, ayoko rin kasing daretsyo higaan kapag galing sa labas.
Pagtingin ko sa phone ay apat na chat heads ang bumungad sa akin, galing Mama, Sir, Topher, and Anja.
I licked my lips at inuna muna kay Topher.
Topher Acel: balik ko na lang yung damit mo bukas, salamat
Bexton Morris: sige, ingat kayo d'yan
Sinunod ko yung kay Sir Ruffus.
Ruffus Enul: Matulog ka na
Hindi ko talaga alam kung teacher ko s'ya o nanay ko kung magdemand.
Bexton Morris: mamaya po ng onti. Ikaw, tulog na kayo, sir
Tiningnan ko yung kay Mama at natawa ako dahil puro paalala lang, I typed a reply to give her assurance na magiging ayos lang ako. Eto talaga si mama, napaka OA. Hindi ko naman siya masisisi. She's just worried and protecting me, naiintindihan ko naman 'yon.
Anjanna Smith: kita ko 'yon
Nangunot ang noo ko nang basahin yung chat niya.
Bexton Morris: alin??
Anjanna Smith: wala, lol
Anjanna Smith: Anyway, pinapatanong ng girls if nakauwi ka na
Bexton Morris: ah oo, mag-ingat kayo d'yan
Hindi na siya nagreply, sakto namang nagpop-up ang chat ni Sir Ruffus kaya tiningnan ko 'yon.
Ruffus Enul: sleep.
Bexton Morris: :(
Ruffus Enul: what?
Bexton Morris: wala lang, tulog na kayo, sir
Ruffus Enul: hindi pa ako nakakauwi
Bexton Morris: ha? Nasan ka po? Don't tell me you're on your phone while driving?
Nagulat ako when he sent me a picture of him sa seven eleven na may sigarilyo sa labi.
Bexton Morris: you smoke?
Ruffus Enul: No, I blow.
I rolled my eyes and type a reply.
Bexton Morris: That's bad
Ruffus Enul: I ain't a kid anymore, Morris. Nainom ka nga
Bexton Morris: At least I don't smoke
Ruffus Enul: Yeah, save your lungs, not your liver, horay.
I laughed at his sarcasm chat. I licked my lips and our conversation continued, umabot pa 'yon ng isang oras, puro tsimis lang naman pinagsasabi niya mga issues ng mga students sa school at naging issue mismo ng school.
Pero kinalaunan ay nagpaalam na siyang aalis dahil anong oras na siyang nakatambay sa seven eleven.
Nakatulog na rin ako dahil sa pagod.
"Kapag ba pinatay ko ang manok tapos niluto, tawag dun doble dead?" Random na tanong ni Oscar dahilan para mapangiwi ako.
"Tang ina neto, nalulong sa video games n'ya," Hirit ni Alistair dahilan para pakyuhan siya ni Oscar kaya nagtawanan kami.
Nandito kami sa bahay ni Darrel, pero yung may-ari wala sa bahay. May susi naman sila Alistair, nagpaalam din kami na pupunta sa bahay n'ya, last minute.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)
De TodoBL story A relationship between three people, An Obsession of Love. But what if you're stuck in between? What if you need to choose? Who will you pick? Sweet like an Apple Sharp like a blade, It will hurts. PSYCHOTIC THREESOME