chapter nineteen.

1.6K 65 358
                                    

BEXTON

Nasa labas na kaming lahat. Napatingin ako sa dalawa kong ka-tabi na seryoso ang mga mukha. "Ayos lang kayo?" Tanong ko.

"No," Sabay nilang sagot at tumingin sa isa't isa.

Whoa, nai-imagine ko na may dalawang aso sa ulunan nila tapos may kuryente na nagmumula sa mga mata nilang dalawa at naglalaban. Si Ruffus yung doberman tapos si Rafael yung Rottweiler.

Natawa ako sa naisip ko na ikinatingin nila. Their faces softened.

"Tara na, guys! Kailangan natin manguna sa lutuan. May cottage naman akong nareserve para pagkainan," Ani ni Anja.

Naka suot na ang Girls ng pang swimming nila maliban kay Jerris na naka cap at sando while wearing a red shorts na abot tuhod.

Si Azael naman ay naka headphones pa rin pero wala na siyang damit pang itaas, pati si Darrel at Rafael, ganun din si Hostel pero asikasong-asikaso kay Topher dahil naiinitan kaya pinapayungan.

Si Ruffus naman ay naka floral beach polo na hindi naka buttones at short na khaki. Nakasalamin pa rin siya.

Si Hanov naman ay naka hoodie. Hindi ba siya naiinitan?

Si Oscar? Ayun hindi ko mahanap kasama si Alistair. Nasan ba 'yong dalawang 'yon?

"Rafael, need ko ng photographer!" Sigaw ni Fern na kinasimangot ni Rafael. Tumingin muna ito ng masama kay Ruffus bago kinuha yung camera at picturan sila Fern.

Medyo elegante ang suot ni Avonni, pero ang ganda, bagay sa kanya. Si Dashi naman ay medyo revealing ang suot pero it makes her outstand. Si Liu naman ay may salbabidang hawak, naka T-shirt lang siya and shorts, same kay Lia but transparent ang suot na white top.

While our girls were wearing different kinds of bikinis, makikita mo talaga difference ng circle namin at nila Rafael.

"Do you want me to take pictures of you?" Tanong sa 'kin ni Ruffus kaya napatingin ako sa kanya.

Tumango ako at imbis phone ko ang kanyang gamitin ay sariling cellphone niya. Tumungo ako sa mga surfing board na naka lubog sa buhangin para tumayo. Ngumiti ako at nag peace sign, wala kasi akong alam sa ibang poses.

Todo picture naman si Ruffus at naka ilang shots pa bago lumapit sa akin para pakita. "Bakit ka pala nandito?" Tanong ko habang tinitingnan yung pictures.

"Ayaw mo ba?" He asked back kaya napatingin ako sa kanya. He was looking at me. "Sabi mo kasi marami kang gagawin..."

I heard him cackle. "Do you think I'll let that punk take advantage of this trip so he can get you himself? Think twice, Bexton." Kaya napaisip ako lalo.

Bawal ba Poly relationship sa amin? Tatanungin ko na sana si Ruffus pero biglang sumingit sa amin si Rafael. "Kakain na, ang bagal n'yo!" I saw Ruffus jaw clenching. We three walked towards the grilling section kung saan may kubo at nandun ang lahat.

Si Topher at Alistair ang nagluluto while Hostel ay nakatayo sa gilid ni Topher na parang tutang nag-aantay sa amo.

Nanliit mata ko dahil ang close nilang dalawa.

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon