BEXTON
Lahat kami ay nasa Van ni Anja. Ayaw kasi nila na maghiwalay-hiwalay, sama-sama na lang daw para mas mabilis.
Papunta kami sa Location sa may plaza. May bagong Food Court yata dun kaya may tu-tug-tog.
Si Darrel ang nagmamaneho, nasa tabi niya si Anja. Habang kami ang nasa likod, katabi ko si Alistair na bumulong. "Alam ba ni Darrel na kasama si Azael?" Ngumiwi ako at umiling.
Nasabi ko na naman sa girls ang about dun, sila na raw bahala para hindi mag-away yung dalawa. Gusto rin kasi nila makilala circle ni Rafael. "Oscar, mali naman eh! Dapat pa-virgin ka muna, okay? Hindi yung nangungulelat ka, mga daddy gusto n'yan pakipot mga babae nila!"
"Ganun ba 'yon?" Kamot-ulong tanong ni Oscar. "Oo ganun 'yon. Make sure rin na hard to get ka, shy type ganun! Mga softie girls bet ng mga 'yan!" Sabat ni Teanna sabay apir kay Gabe.
"Paano kung humingi ng nudes sa'yo 'yon?" Singit ni Topher kaya nagtawanan kami. "Sendan mo dick pictures mo, pre," Ngising huthot ni Alistair at natawa naman si Oscar. "Tarantado, hindi ako kagaya mo!"
Loko rin kasi. Masyadong cinareer ni Oscar ang pagiging babae sa laro para makaburaot ng Gems niya. "Si Arian send ko, soft girls naman 'yan," Natawa naman si Arian sa sinabi ni Oscar at palarong hinampas. "Kapag ako talaga ang pinuntirya ng daddy mo, ilalaglag kita." Humalagapak kami lahat kahit si Anja ay nakitawa na rin.
Napatingin ako kay Alistair na may pinapakita kay Topher, nakisilip ako at may nakitang mga babaeng nagsasayaw sa maliit na palda. Tarantado talaga 'tong si Alistair, tinuturuan pa yata si Topher maging kagaya n'ya.
Nakarating kami sa Plaza, medyo nahirapan pa kaming humanap ng puwedeng pagparkan dahil sa sobrang daming tao. "Sino pala kasama natin?" Tanong ni Darrel nang makababa.
"Ahh sila Rafael," Sagot ko. Sumama ang mukha ni Darrel at akmang babalik sa Van nang hatakin siya ni Jerris sa Kuwelyo at sabay-sabay kaming naglakad sa sinend ni Fern sa'king pagkikitaan.
Nangunguna na sila Teanna and Gabe na parehas na kinikilig sa mga lalaking nakikita nilang may itsura. Habang si Anja naman ay nagpi-picture sa paligid.
Ngayon ko lang nalaman na masyado siyang outgoing, may IG nga siya na puro roadtrip at gala ang mga posts. Kung hindi sa ibang lugar sa Pilipinas ay sa ibang bansa. Mayaman kasi kaya hindi alintana ang pera sa kanya.
Si Arian naman ay kakulitan si Topher na may kinakain ng cotton candy na bili ni Alistair.
Si Alistair naman ay busy na kinikindatan ang mga babaeng dadaanan namin, si Oscar na busy sa phone at si Darrel na masama ang mukha habang higit-higit ni Jerris.
Si Jerris ang pinaka matangkad sa girls, mas matangkad sa 'kin at kay Topher. Kasing ka-tangkaran niya si Alistair.
"BEX!" Napatingin ako sa tumawag sa 'kin. Napangiti ako when I saw Fern with her friends, pati si Lia kasama! Kompleto sila. Nang makalapit kami ay masayang lumapit sa 'kin si Fern na agad akong niyakap. Napatingin ako kay Rafael na ang sama ng titig sa 'kin.
Nagseselos yata...humiwalay agad ako kay Fern. Baka kasi ayaw niyang may humahawak sa girlfriend niya.
"Hi, Topher!" Masiglang bati ni Hostel kay Topher.
Moreno si Hostel, mahaba ang buhok kaya naka ponytail siya. Kasing tangkad lang ni Darrel. Iisipin mo agad na may lahi dahil magandang lalaki, bukod dun ay siya lagi ang nakangiti sa grupo nila, halatang masayahin.
Si Fern naman ay nakalugay ang mahabang buhok, aakalain mo ring may lahi pero filipina ang kutis. Siya ang pansin kong maliit sa kanila, pero nakakaakit ang ganda niya. Kaya siguro siya nagustuhan ni Rafael.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)
RandomBL story A relationship between three people, An Obsession of Love. But what if you're stuck in between? What if you need to choose? Who will you pick? Sweet like an Apple Sharp like a blade, It will hurts. PSYCHOTIC THREESOME