SPECIAL CHAP - Rafael

732 38 116
                                    

RAFAEL

“Bakit pa, ma?! Niloko na nga tayo nung hayop na ‘yon tapos pagtatanggol mo pa rin?!” Sigaw ko sa inis.

“Rafael!” She screamed my name as if I said something that is diabolical and unforgivable.

But I was shocked when she forcefully grabbed my arm at dinuro ako, “Hindi kita pinalaki ng gan’yang bata ka! Wala kang modo, tatay mo pa rin ‘yon!”

“Tatay? Wala akong tatay na manloloko!–” My screams were cut off by a loud impact of her hand on my cheek. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil dun, my ears start ringing, ni hindi ko ramdam ang pananakit dahil biglang nagmanhid ang aking pisngi.

“Ma! Anong ginagawa mo?!” Gulat na tanong ni Kuya Ruffus na mukhang kararating lang. He’s still wearing his uniform, pero puro dumi ‘yon, even though his face was full of bruises.

I wanna ask him what happened to him but I saw a boy na nasa likod niya who's staring at me with shock and pity.

“Pagsabihan mo ‘yang batang ‘yan, Ruffus!–” I felt like wala na akong marinig kahit ano.

Ang sakit.

Bakit ganon?

My heart starts beating faster, my mind goes blank. Dahil sa inis ko ay marahas kong hinila ang braso ko paalis kay mama at tumakbo papalabas.

I even bump into the boy but I didn't care, gusto kong umalis sa bahay, gusto kong lumayo.

“Rafael!” I heard Kuya called me but I didn't looked back, I keep running and running hanggang sa magsawa ang paa ko.

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mata but I keep trying not to cry. I can't, I can't fucking cry, ako na lang ang natitira sa pamilya na hindi nagpaniniwala sa taong ‘yon!

Hinding hindi ko iiyakan ang lalaking sumira sa buhay namin!

Ramdam ko ang panlalambot ng aking paa sa pagod kaya tumigil ako at hingal na hingal na suminghap ng hangin.

“Rafael!” Akala ko ay sinundan ako ni Kuya Ruffus but the voice were high-pitched and a childlike tone.

Hindi ko ‘yon nilinga at kahit nanlalambot at pagod ay naglakad ako palayo but his stomp are trying to follow me.

“Rafael, Rafael, Rafael!” Putang ina, sino ba ‘tong batang ‘to?! Huwag mong sabihin na anak ‘to sa labas ng lalaking ‘yon?!

Impossible naman, mas mukha siyang may lahi, maputi at halatang mayaman.

“Rafael, teka lang, pagod na’ko huhu!” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pake ko?!

“Rafael, wait for me please! My legs are short!”

“Rafaelllllll!”

“Raffie!”

Tarantado?

Inis akong humarap and saw the young boy, sobrang layo n’ya sa’kin pero yung boses akala mo nasa likuran ko lang!

Nang makita niya akong humarap ay nagliwanag ang kanyang mukha at hingal na tumakbo palapit sa’kin.

I watch him run towards me and hug my arm na agad kong pilit na inaalis. “Uwi na tayo! Tawag ka mama mo!”

“Ano ba! Layo!” Malutong kong mura pushing him on his face pero walang talab. Linta ba ‘to o tao?! Tang ina ang kulit!

“Uwi na!” Makulit niyang ani. Aba!

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon