chapter nine.

2.3K 105 80
                                    

BEXTON

Thursday morning, I called Topher para mag patulong maghanda ng lunch. Buti na lang at pumayag siya sa ganitong oras, masyado kasing maaga but I have to, pampagaan na rin ng loob kay Sir.

Hindi na rin niya ako chinachat o nire-replyan mga messages ko. Pero kapag nagst-story naman ako ay naka-react siya at naka view.

Habang prineprepare ang mga ingredients ay tumunog na yung doorbell so I quickly ran to open the door.

Bumungad sa akin si Topher na pawis na pawis kaya agad ko siyang inasikaso, he's wearing a yellow shirt at khaki pants, mukhang nagmadali pa yata siya kasi baliktad ang suot na damit.

"Sorry ngayon lang ako, may nangyari kasi," I gave him water na agad niyang naubos. "Ayos lang, gusto mo bang magpahinga muna? Baliktad din suot mo."

Kita ko ang pamumula ng mukha ni Topher nang mapagtantong baliktad ang damit niya kaya mabilis niya iting hinubad, "Ayos lang, simulan na natin para maagang matapos. Nahanda mo na ba mga kailangan para sa lulutuin?" Tumango ako.

Puro kasi pasta ang alam ko, baka naman ayaw ni Sir nun kaya tinawagan ko yung expert sa amin.

Pero bago pa man kami magsimula ay napatingin ako dahil may lipstick stain siya sa bandang leeg kaya onti-onting lumukot ang ngisi sa aking labi and pat Topher's shoulder. "Matinik ka pala."

He looked at me confused pero tumawa lang ako. Eto talaga si Topher, tahimik lang pero hindi kayang magtago. Pero if he wants to make it a secret, I won't force it.

Dumaretsyo na ako sa kusina at sumunod naman siya. Siya ang nanguna sa lahat habang ako ay naga-assist. "Ibibigay mo ba sa nagbigay sa'yo ng lunch nun?" Tumango ako. "Oo, galit eh."

He looked at me bago bumalik sa ginagawa, "Girlfriend? That's new, you never do relationships." Agad akong napailing, "Kaibigan lang."

"Friends don't effort like this, Bex..." Ngiwi niyang ani. Natahimik ako dun, tama nga naman wala namang ganitong magkaibigan na nage-effort. Pero kaibigan ko ba si Sir? Teacher ko 'yon eh.

Natapos kami at I'm very proud sa naging outcome. Thanks kay Topher ay nabigyan ng hustisya ang bento, baka kung sariling sikap ko 'yan maging disaster lang.

I thanked Topher at akmang kukuha ng pera para magbayad sa kanya pero he refuses. I keep insisting na bayaran siya pero ayaw niya talaga kaya wala akong nagawa.

Nagpaalam na siya sa akin dahil may pupuntahan daw. Hindi ko na siya pinigilan at nagpaalam na rin, maliligo pa kasi ako para pumunta sa school.

Wala akong pasok pero alam kong may pasok si sir kaya ibibigay ko na lang. Halos isang oras ako sa CR, natagalan din ako sa pagpili ng susuotin, at nag-apply ng pabango para presintable naman.

Dala ko yung lunch at dinala ko na rin sasakyan ko na bigay ni mama nung birthday ko, para raw may magamit ako incase I want to go home and visit her.

Hindi ko rin naman nagagamit papuntang school dahil sobrang hassle, daming sasakyan, halos wala na rin ma-parkingan. Kaya commute na lang talaga ang ginagawa ko.

Pinark ko yung sasakyan ko sa cafe, sakto namang lunch, para hindi na rin nakakahiya ay umorder ako ng Frappe since hindi ko alam flavor na gusto niya ay chocolate na lang din ang pinili ko.

Nilakad ko na lang papuntang school dahil walking distance. Medyo kinakabahan pa ako dahil baka hindi ako papasukin pero hinayaan lang ako nung guard, siguro ay na mukhaan ako.

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon