chapter twenty seven.

1.3K 50 141
                                    

BEXTON

Napatingin ako sa nagsalita and that's when I realize lahat sila ay nakatingin sa akin na may panghuhusga.

"Tang ina bakla na nga two timer pa? Anong nangyayari sa mundo ngayon? Salot amputa"

Natahimik ako sa nagsalita nun. Aalis na sana ako pero biglang kunwelyuhan ni Rafael yung lalaki. "Say that to my face, motherfucker!"

"What the fuck, dude?! Ano bang problema mo?!" Inis na sigaw nung lalaki at pilit na inaalis ang kamay ni Rafael pero gigil na gigil itong naka kapit sa kuwelyo nila.

"Fucking say that to my face, I dare you," Gitil nitong banta. Agad naman akong pumagitna para paghiwalayin sila at ganun din yung mga tropa nung lalaki.

"Tama na 'yan," Pagpapakalma ko kay Rafael na mukhang pikon na pikon, kulang na lang ay suntukin niya 'yun.

"Tang ina sino ba 'yon? Gago ah."

"Si Rafael, pre. Yung sikat sa department natin."

"Hayop, siya yata yung jowa, hindi naman 'yan gan'yan, not even sa circle of friends niya!"

Takot akong tumingin kay Rafael nang may magsabi nun. Kita kong napatungo ito habang naka kuyom ang mga kamao.

Gusto kong maiyak. Ayoko ng ganto, hindi naman normal ang relasyon naming tatlo, people would judge him...ayos lang naman kung sa'kin, pero kasi damay sila...

"Akala ko tahimik lang, may tinatago pa lang kulo," Sabay tawa nilang lahat kaya pati ako ay hindi makatingin sa kanila, not even on Rafael na napalingon sa akin.

"Baby," Bulong ni Rafael sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Are you okay?" Hindi ako nakasagot dahil sumigaw yung isang lalaki.

"Salot!"

Natahimik ang lahat when the man flew gawa ng isang kamao. Napatingin kami sa gumawa nun and we saw Hostel na galit na galit na nakatingin sa lalaki.

"Ano?! Palag!" Sigaw ni Hostel at akmang lalapit pero pinigilan siya agad ni Rafael.

"Kalma, Von. You will get expelled sa ginagawa mo!" Awat ni Rafael pero parang walang naririnig si Hostel at pilit na nagpuumiglas.

"Bitawan mo'ko, tatabasin ko dila ng hayop na 'yan!" Sigaw ni Hostel sa galit kaya kahit ako ay nakiawat na.

Hindi ko i-ni-expect na ganito ka-hostile si Hostel, ibang iba siya ngayon. Maamo kasi lagi, palangiti, tapos kung minsan mahinhin. Ngayon he looks like a raging bull na akala mo papatay.

Lahat ng students ay nagkagulo. Maangas na umasta yung tropa nung lalaki sa amin, "Tarantado ka ah! Huwag kang mangielam dito, Von! Isa ka ring salot!"

Hindi na naman naawat si Hostel at bigla niya itong sinugod. Lahat kami ay nagka-gulo at pilit na inaawat kaibigan namin. Pero putang ina yung mga kaibigan nila ay nakikisuntok kaya gumaganti si Rafael habang pri-no-protektahan ako.

May isang lalaking akmang susugurin ako pero natigil lang 'yon nang tumilapon siya dahil sa isang suntok.

"Ayos lang kayo?" Tanong ni Topher na hingal na hingal. Nagdatingan din sila Oscar, Alistair, at Darrel.

Kahit si Hostel na may sabu-sabunot na student na walang malay ay natigilan din habang nakatitig kay Ruffus na hingal na hingal habang nakakuyom ang kamao sa ere. "Don't you fucking touch him!"

Binitawan ni Rafael ang hawak niya at mailis na lumapit sa kapatid. "What the heck are you doing?!" Inis na bulong nito rito.

Ruffus glared a all of the students. "Go back to your classrooms, now!" Um-echo pa ang kanyang boses sa buong building. Naging hudyat 'yon para magtakbuhan ang lahat pabalik sa kani-kanilang classrooms.

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon