chapter fifteen.

1.7K 76 197
                                    

BEXTON

Kinakabahan ako sa results namin...kapapasa ko lang ng paper ko at chine-check na ng prof namin ang mga scores.

Paano kapag bagsak ako? Sayang pagod na pagtuturo sa 'kin ni Rafael ar Sir Ruffus, halos buong week din nila ako tinuruan.

Namamawis kamay ko, kinakabahan ako. Para akong matatae na ewan, bwisit!

Nang bumalik si Ma'am Enueva ay dala-dala na niya nga exam papers namin.

Tinawag niya isa-isa, "Rafael, good job for getting the highest score again." Sabay bigay kay Rafael na walang ekspresyon. Nagtama pa ang tingin namin and he slightly nodded at me.

Magka-tabi naman kami ni Rafael kaya nang maka-upo siya ay perfect ang nakuha niyang score. Expected nanaman 'yon sa kanya, si Rafael pa...

"Bexton," Kumuyom ang kamao ko at tumayo. Kinuha ko ang papel ko at hindi tiniklop 'yon hanggang sa maka upo. Hindi naman niya ako kinulit, gusto ko kasi mamaya ko tingnan kapag wala ng tao.

Rinig ko ang angilan ng mga blockmates namin nang makuha ang mga papel kaya mas kinabahan ako. "You're shaking," Namalayan ko na nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa papel nang punahin ako ni Rafael.

I take a deep breath and trying to calm myself. Hindi ko kaya...kinakabahan ako.

Natapos na lahat, inaantay ko silang maka-alis, maliban kay Rafael na nakapikit at nakikinig sa headset niya.

Akala ko wala ng student but may group of girls na biglang pumasok at dumaretsyo sa puwesto ni Rafael. "Rafael, gusto mo bang mag lunch with us?" Napatingin ako kay Rafael na nanatili lang sa puwesto niya.

"Rafael? Hello-"

"Go away," Masungit niyang ani. Medyo nagulat pa ako sa pananalita niya. Nagtinginan sa 'kin bigla yung mga girls and smiled at me.

"Hi, ikaw ba si Bexton?" I was about to reply but Rafael cut me off. "I said go away!" Mabilis silang nagsi-alis at sinamaan ko ng tingin si Rafael na masama rin pala ang titig sa 'kin.

Siniringan ko lang siya at napatingin sa papel sa hawak ko, dun na bumalik ang kaba ko.

Lumunok ako ng bahagya at dahan-dahang binuklat yung papel.

"You passed!" Masiglang sigaw ni Rafael and looked at me happily pero nawala 'yon ng makita niyang umiiyak ako. "What the fuck? Hey, why are you crying?!" He asked panicking at mabilis na kumuha ng panyo at dali-daling binigay sa 'kin.

Agad ko naman 'yon tinanggap at siningahan. Medyo ngumiwi pa siya nang ibalik ko yung panyo, "Sa'yo na 'yan..." Patuloy lang ako sa pag-iyak at nasa tabi ko lang si Rafael na pinapakalma ako.

"Damn...daig mo pa ako nung natalo," Sambit niya na ikinahagulgol ko lalo. I heard him slightly cursed bago ako patahanin.

Tang ina sinong hindi iiyak!? Halos wala akong tulog para makapag-aral at magreview, I did everything to pass this exam, hindi man kagaya ng kay Rafael pero ang saya...lahat ng pagod at hirap ko, lahat-lahat... It's all worth it.

"Nakapasa ako..." Iyak ko sa kanya and he slightly chuckle kaya mas lalo akong naiyak kaya nataranta na naman siya.

Halos isang oras yata akong naluha hanggang sa tumigil. Ewan ko ba rito kay Rafael at hindi man lang umalis, tapos magre-reklamo siya na ang tagal namin sa room.

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon