chapter twenty eight.

1.2K 51 71
                                    

BEXTON

Halos hindi ako lumabas ng halos isang linggo dahil sa issue. Ni hindi nga ako makalabas ng hindi pinagtitinginan ng mga tao.

Ruffus got suspended dahil sa kumalat na issue at pinagmumura ng mga tao sa social media, kahit si Rafael ay ganun din.

Kumalat ang lahat...even mama saw it at tinawagan ako kahapon. Hindi ako makatigil sa pag-iyak. Hindi ako nasasaktan sa mga komento tungkol sa akin. Wala naman akong pake dun eh, ang kinababahala ko ay sila Ruffus.

Ang sakit makita na halos pagsalitaan sila ng masama ng ibang tao to the point that they were being harassed publicly.

09********+: Baby? Please open your door.

Pinahiran ko ang aking luha nang matanggap ang text ni Rafael. I deleted my social medias dahil grabe na ang natatanggap kong mga salita sa lahat, they force me to stop para na rin daw sa kapakanan ko.

Agad akong tumayo at pinagbuksan ng pinto. Bumungad sa akin yung dalawa he looked so tired kaya mas nanlumo ako.

"Pasok kayo..." Muntikan pa akong pumiyok. Sinarado ko ang pinto nang makapasok sila ng tuluyan at nang lingunin ko sila ay dun ko napansin na may mga dala itong mga plastic bags.

"Para saan 'yan?" Tanong ko.

"We know na wala kang ganang kumain for these past few days. Your friends told us. So we're here to cook for you," Malambot na ani ni Ruffus at tumungo sa kusina para magluto.

Si Rafael naman ay ang lumapit sa akin. He cups my cheeks and kisses me on my forehead, "Your eyes are getting fluffy..." May pag-aalala sa boses niya habang marahan niyang hinihimas ang pisngi ko.

"Kumusta kayo?" I embrace him with a hug at ganun din siya sa akin. We're okay, baby. Don't worry about us."

"Worry about me, I need some love too," singit ni Ruffus kaya natawa ako. Binitawan ko ang pakayakap kay Rafael at siya ang aking niyakap.

"Oh how I miss you, my little one," Ruffus murmured and hugged me tight. "I miss you too..."

Tinungo namin yung kusina at nagsimula na silang mag prepare ng mga lulutuin. Halos nanood lang ako sa bawa galaw nilang lahat. Hindi ako makapaniwala na ang liliksi nila sa kusina.

Ni hindi sila nag-aaway o nagtatalo habang ginagawa ang pagluluto, kung minsan nagpapalit sila. Ang pulido at suwabe, ni walang natatapon sa mga nilalahok nilang sangkap kahit ang bilis nila gumalaw

"Saan kayo natuto magluto?" Tanong ko.

"Mama," sabay nilang sagot without looking at me. Napangiti ako kasi sobrang seryoso nila sa ginagawa.

Hindi lang pala sa pagtuturo at pag-aaral seryoso 'tong mga 'to, pati pagluluto. Napaisip tuloy ako kung ano pang kaya nilang gawin.

"Anong hobbies ninyo?" Tanong ko.

Rafael licked his lips bago ngumisi, "Swimming and Archery." Napa 'ahh' ako at inantay ang sagot ni Ruffus na nag-iisip, "Motor racing."

Napatango ako at dumukdok sa lamesa. Talented din pala sila...napanguso ako. Para tuloy akong naiiyak.

Ang out of my league ko naman sa dalawang 'to, napapaisip ako minsan kung deserve ko ba sila eh.

Nang sabay na silang naghahain ay umayos na ako at kahit plating hindi sila nagpaawat hanggang sa maaninagan ko ang isang pasa sa kamay ni Ruffus kaya napatitig ako rito.

"Anong nangyari d'yan?" Tanong ko. He quickly hides the bruise kaya bumagsak ang balikat ko. Napatingin ako kay Rafael at umiwas ito ng tingin.

"It's my fault, hindi ako nag-iingat," Agap ni Ruffus pero hindi pa rin nawala ang bigat sa pakiramdam ko.

PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon