BEXTON
Bexton Morris: May gagawin ba? Aalis kasi kami.
Bexton Morris: Kent, may gagawin ba?
Bexton Morris: huy
Tinadtad ko ng chat si Kent hoping na baka magreply siya pero wala. So I'm guessing wala kaming gagawin. May thesis kasi kami na dapat ipasa, since siya ang leader siya ang magle-lead sa amin.
Nagta-taka lang ako kasi all this time walang GC for our Group. Pero baka personal sasabihin ni Kent?
Natigil ako sa pag-iisip nang mag pop-up ang chat ni Ruffus. Ayun na lang daw tawag ko sa kanya kapag wala kami sa school, since manliligaw ko naman na.
Napangiti ako sa naisip ko. Manliligaw...ganito pala feeling ng mga babae kapag nililigawan sila ng crush nila.
Gumawa rin siya ng new account, na hack kasi old acc niya kaya hindi siya naka open.
Ruffus Enul: Aalis na ba kayo?
Bexton Morris: mamaya pa, hindi ka ba talaga sasama? :(
Ruffus Enul: I wish I could, but I have a lot of paperwork to finish. Just update me, k?
Bexton Morris: ok :D
Napatingin ako sa bag ko, para tuloy akong magba-bakasyon ng isang buwan sa Pampanga dahil sa laki ng bag na dala ko.
I grabbed my phone para tingnan account ni Rafael or kung may chat na ba siya pero wala pa rin. Bigla na lang tyloy akong may naisip.
Pumunta ako sa Goggle to search something. 'Can I have two boyfriends?'
Nagbasa ako at napag-alaman na it's a polymorous relationship kung saan legal sa sides ng mga partners mo na dalawa silang jinojowa mo. May ganun pala...Poly relationship, pwede dalawa o mas higit pa, basta may consent.
Napatango-tango ako at nagbasa-basa pa hanggang sa nagchat na sa 'kin sila Anja.
Mabilis akong tumayo at tumungo sa labas and saw two vans? Nanliit ang mata ko dahil malaki naman ang van ni Anja kaya bakit dalawa pa kailangan dalhin?
I was about to say something nang rumolyo pababa ang bintana sa itim na van sa shotgun seat and there I saw Rafael na naka shades. He looked at me at maangas akong tinanguan.
"Hi, Bex!!" Hiyaw ni Fern sa likod. Ngumiti ako at kumaway pero napatingin din kay Rafael na kahit naka salamin ay alam kong titig na titig sa 'kin.
"Hoy, Bex! Tara na!" Sigaw ni Alistair. I glanced at him one more time at mabilis akong sumakay sa van namin at tumabi sa gitna ni Topher and Alistair. Topher is on his usual look.
Yung girls naman ay tulog maliban kay Anja na ka-tabi ni Darrel sa unahan dahil siya yung may alam ng location. "Kasama sila?" Tanong ko at agad namang napalingon sa akin si Topher at kita kong may nginunguya siya.
"Oo, gusto kasing sumama nila nung nakwento ko kay Hostel na aalis tayo. Kinuwento niya yata kila Fern kaya ayun, nag last minute ready sila," Kwento ni Topher. Napatingin ako sa kinakain niya na mukhang galing Taiwan. "Pahingi, saan mo 'yan nabili?" Pagkakaalam ko kasi ay ako halos pumili ng chichirya, eh wala naman akong biniling gan'yang type.
"Bigay ni Hostel. Kauuwi lang niya galing Taiwan." Napa 'ahh' na lang ako. Nalaman ko rin na may lahing Taiwanese si Hostel. Naalala ko tuloy yung BL actor na si Apo na Taiwanese, kahawig niya kasi.
BINABASA MO ANG
PSYCHOTIC THREESOME (Love Beyond Boundaries series #1)
RandomBL story A relationship between three people, An Obsession of Love. But what if you're stuck in between? What if you need to choose? Who will you pick? Sweet like an Apple Sharp like a blade, It will hurts. PSYCHOTIC THREESOME