"HEY LAWRAH, CAN YOU LEND ME HAND?"
Mula sa pagbabasa ng botanical book ay umangat ang tingin ni Lawrah kay Aris nang marinig ang sinabi nito. Naroon ang dalaga sa likod ng reception desk at tulad ng nakagawian, kung hindi manual, ay binabasa nito ang librong ibinigay ni Aris para matuto ito ng kaunti tungkol sa mga halamang ibinebenta ng shop.
Si Aris ay nasa entry ng receiving area, nakasuot ng gardening gloves ang mga kamay at pawisan. Ang suot nitong grey na T-shirt ay basa ng pawis– at madali iyong nakita ni Lawrah dahil nag-iba ang kulay at bumakas sa katawan nito.
Sandaling bumaba ang tingin ni Lawrah sa katawan ni Aris. Dahil bumakat doon ang basang T-shirt nito'y malinaw na nakita ng dalaga ang magandang hubog ng katawan ng amo. Bagaman inasahan na iyon ni Lawrah ay namangha pa rin ito sa nakita. Magkaganoon man ay hindi iyon ipinahalata ng dalaga. Nanatiling blangko ang ekspresyon nito sa mukha hanggang sa muli nitong salubungin ang mga tingin ni Aris.
Si Aris ay kinunutan naman ng noo– may bumangong kuryosidad sa dibdib habang nakatitig sa blangkong mukha ni Lawrah.
"Ano po ang maitutulong ko, Sir Aris?" pukaw ni Lawrah rito makaraan ang ilang sandali.
Tumikhim muna ang binata bago sumagot. "Umalis si Susie para mamalengke at kailangan ko ng tulong para mai-angat ang isang patungan ng mga halaman sa likod. I can't do it alone, so would you mind helping me out?"
Tahimik na tumayo si Lawrah at lumabas mula sa reception counter. Naglakad ito palapit, at habang naglalakad ito'y hindi napigilan ni Aris na suyurin ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.
Lawrah was tall for a regular Filipina. Kung tatayo ito ay siguradong aabot hanggang sa balikat ni Aris– and he was six feet and four inches tall.
Lawrah also had nice tanned skin; morenang-morena. Hindi pino ang balat pero hindi rin marumi tingnan. She liked wearing long skirts– yaong sa matatandang nagsisimba lang nakikita ni Aris– and mostly in dark colors like navy blue, brown, or black. Umaabot ang haba ng paldang iyon hanggang sakong nito. And her top was either a loose blouse or long sleeve polo shirt. At dahil maluwag lagi ang suot nito ay hindi masabi ni Aris ang hulma ng katawan ni Lawrah.
She also had long and straight silky black hair— isa sa mga bagay na kapansin-pansin rito. Lagi iyong nagkalugay at malapit nang umabot hanggang sa baywang nito.
Her deep set of light brown eyes also stood out– na kung hindi nanlalaki sa gulat minsan ay blangko naman.
Aris couldn't help but narrow his eyes in curiosity. Iyon ang unang beses na sinuyod nito ng mapanuring tingin si Lawrah at hindi maiwasan ng binata na...
Shit, Aris thought.
I shouldn't be staring at her this way.
Sa naisip ay mabilis na umiwas ng tingin si Aris at kaagad na tumalikod bago pa man tuluyang makalapit si Lawrah. Nagtuluy-tuloy ito sa paglalakad pabalik sa storage area. He slowed his steps down when he was finally able to control his thoughts. He looked over his shoulder and found Lawrah walking just behind him. Nakatingala ito sa maulap na kalangitan.
Huminto si Aris at hinarap si Lawrah. Kaagad iyong napansin ng dalaga kaya nagbaba ito ng tingin at huminto rin.
Halos limang dipa ang pagitan ng dalawa.
"Pansin mo rin ba ang panahon?" Aris asked, breaking the silence.
Tumango si Lawrah. "Masyado po akong abala sa pagbabasa kanina kaya hindi ko namalayan na dumidilim na pala ang kalangitan. Alas tres pa lang ng hapon pero mukhang mag-a-alas sais na."
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...