CHAPTER 028 - The Deal Is Off - EXCERPT

119 2 0
                                    




Nang makalabas si Gene ay nanatili siyang nagmatiyag sa paligid. Some days, the sound of the whistling wind and soft rain would calm his nerves, sending him to deep and peaceful sleep. Pero hindi ngayon. Hindi sa pagkakataong ito, matapos ang lahat na nangyari.

Makalipas ang ilang sandali ay dumausdos siya pahiga sa couch. Ipinatong niya ang mga sakong sa armrest at tinakpan ng isang braso ang mga mata. He'd try getting some sleep. Baka ang dilim ay makatulong upang kahit papaano ay makakuha siya ng tulog.

And he was close to drifting to sleep when suddenly, he heard the door open from upstairs. Muling nagising ang diwa niya. Pero hindi siya kumilos at nanatiling nakiramdam.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang paghakbang pagbaba ng hagdan.

Of course, who could it be?

But why the hell did she leave the room? What did she need?

Nagpatuloy siya sa pagpapanggap na tulog hanggang sa maramdaman niya ang paglapit ni Lawrah. He could sense her. He didn't know why and how, but he definitely could.

And he waited for her to talk. Hindi niya alam kung bakit, pero inasahan niyang gigisingin siya nito.

But she never did.

Ang sunod niyang narinig ay ang maingat nitong pag-alis sa harapan niya. Bahagya niyang inalis ang braso na nakatakip sa mga mata upang silipin–sa gitna ng dilim– ang ginagawa ni Lawrah.

At dahil nasanay na rin ang mga mata niya sa dilim ay bahagya niya itong nakikita. Lawrah was walking towards the kitchen. Sumilip ito roon bago pumihit pabalik sa living area.

Akala niya ay babalik ito sa harapan niya, kaya muli niyang ipinikit ang mga mata.

Subalit... ang sunod niyang narinig ay ang maingat na pagpihit ng seradura saka ang pagbukas ng front door. Sandali siyang natigilan.

Where is she... going?

Nang maramdaman niya ang pagpasok ng malamig na hangin mula sa labas ay tila siya nagising sa sandaling pagkatigalgal. Maagap siyang bumangon at naupo sa couch– still questioning himself where Lawrah was heading to in this ungodly hour, in this weather, and in the middle of the dark!

Hinayaan lang din ni Lawrah na nakabukas ang pinto— may kukunin lang ba ito sa labas?

Kukunin?

Wala naman itong dalang kahit ano.

At ano ang kukunin nito sa gitna ng dilim?

Ahhh, fuck.

Pagkakataon!

Kumuha ito ng pagkakataong tumakas!


**

FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP

Pop me a message should you be interested to join in

WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon