"Kukuha ako ng tubig sa batis. Kailangan ko po iyon para maglampaso ng sahig at para may magamit tayo sa paghuhugas ng mga kamay."Muling bumaba ang tingin niya sa container na dala nito. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa limang galon ang pwedeng ipasok na tubig doon.
Umiling siya. "Malapit lang ang batis pero mahirap ang daan papunta roon. Mahihirapan ka. Let me just check the main valve. Baka nakasara lang." Itinuloy niya ang paghakbang. Pero bago pa man siya tuluyang makalapit ay muli nang nagsalita si Lawrah.
"Nasa ilalim din ng lababo ang main valve at nakabukas, Sir Aris. Ibig sabihin ay wala po talagang dumadaloy na tubig sa tubo. H'wag kayong mag-alala, sanay naman po akong mag-igib. At kalahating container lang ang dadalhin ko para hindi ako mahirapan sa daan mamaya." Bumaba ang tingin nito sa dala niya. "Magluluto po ba tayo?"
"I'll make a salad." Patuloy pa ring nakakunot ang noo niya dahil hindi pa rin siya kombinsido sa gusto nitong gawin.
"Kung ganoon ay kailangan natin ng tubig para hugasan iyan. Pwede ko pong punuin ang tub sa banyo para may magamit tayo. Babalik din po ako kaagad." Itinuloy nito ang pagbaba sa dalawang baitang na hagdan ng munting porch at akmang aalis nang pigilan niya ito.
"Just hold on, Lawrah."
Tumigil ito at muli siyang nilingon.
"Napatunayan mo na kaninang malakas ka at alam kong kaya mong gawin ang kayang gawin ng lalaki, pero hindi mo obligasyong mag-igib at mag-imbak ng tubig na gagamitin natin. It's a heavy task for a woman. I'm sure the water will be back, let's wait for a couple more hours."
Ito naman ang kinunutan ng noo. "Walang problema sa akin ang mag-igib, Sir Aris. At kailangan natin ng tubig ngayon kaya hindi tayo pwedeng maghintay na lang na may lumabas mula sa gripo." Muling bumaba ang tingin nito sa bilaong bitbit niya, sandali iyong pinakatitigan, bago siya nito muling hinarap. "Hindi ako magtatagal. Kung gusto ninyo ay mag-umpisa na kayong hiwain ang mga gulay na iyan para pagbalik ko ay huhugasan na lang."
Para siyang binagsakan ng kung anong mabigat na bagay sa ulo nang marinig ang sinabi nito. At nang makita niya ang pagtalikod ni Lawrah upang ituloy ang balak sa kabila ng mga sinabi niya'y lalo siyang nabuwisit.
Bitbit ang bilao ay sinundan niya ito.
Si Lawrah, nang maramdaman ang pagsunod niya ay lumingon. At nang makita ang malaki niyang mga hakbang ay nahinto ito at muling humarap. Saktong nakaharap ito sa kaniya nang makalapit siya nang tuluyan. Marahas niyang kinuha ang container mula rito at patulak namang ibinigay rito ang bilao. Sinalo iyon ni Lawrah, nagtaka.
"Firstly, hindi ikaw ang mag-uutos ng kung ano ang dapat kong gawin. Secondly, I am the man and I was supposed to be doing this stuff. Thirdly, ikaw ang maghiwa ng mga gulay roon sa kusina dahil iyon ang dapat na ginagawa ng babae at hindi itong pag-iigib!"
Bago pa man makasagot si Lawrah ay nilampasan na niya ito at tinunton ang daan patungo sa batis.
He was enraged. Annoyed. Insulted. Pinagmukha na naman siya nitong malamya!
At ngayon ay alam na niya kung ano ang tila mabigat na bagay na bumagsak sa ulo niya kanina—
His fucking male ego.
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...