"Here. Make yourself useful and cover this up."Napatingin si Lawrah sa kamay niya, at nang makita nito ang madugo niyang sugat ay nakita niya ang pag-guhit ng pag-aalala sa mukha nito.
Kaagad nitong hinawakan ang kamay niya at sinuri ang sugat. "Kailangan itong madala sa ospital para maisara, Sir Aris."
"Just cover it up for now. Sa ospital ang diretso natin mula rito."
Tumango si Lawrah at kinuha ang punit niyang T-shirt na nakapatong sa binti niya. Dahan-dahan nitong ibinaba ang kaniyang kamay at ipinatong sa binti nito sa panggilalas niya. Gamit ang dalawa nitong mga kamay ay pinunit nito ang T-shirt. Bahagya pa itong nahirapang paghiwalayin ang dalawang parte dahil sa makapal na tahi sa bandang neckline, kaya pwersahan iyong hinila ni Lawrah hanggang sa maputol. Sa ginawang iyon ng dalaga ay umalog ang dibdib nito na nakita ng dalawa niyang mga mata.
Muli ay lihim siyang napabuntonghininga kasunod ng pag-iwas ng tingin. Ipinatong niya ang kanang braso sa ibabaw ng headrest ng driver's seat saka ibinaling ang tingin sa backseat upang hindi niya mapagmasdan si Lawrah. Kung ano-ano ang nakikita niya kapag kaharap niya ito kaya minabuti niyang ibaling sa ibang direksyon ang tingin.
Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang muling paghawak ni Lawrah sa kamay niya at ang pag-angat nito roon. Sunod niyang naramdaman ay ang daliri nitong dumama sa palad niya— at doon niya ito muling sinulyapan.
Lawrah was staring at his wound while her thumb slowly traced the open cut. Tila ito scientist na pinag-aaralang mabuti sa microscope ang bagong organismong natagpuan.
Shit— what was he thinking again? And why was he finding this moment amusing?
"Anong klaseng aksidente ang magbibigay sa 'yo ng sugat na ganito kalaki, Sir Aris?" ani Lawrah sa tinig na noon lang niya narinig. It was soft and gentle. Tila ito ina na nakikipag-usap nang masuyo sa anak.
"I would appreciate it if you start covering it up. Kung nakikita mo ay patuloy ang pag-agos ng dugo—hey!" Napa-igtad siya nang biglang makaramdam ng kirot matapos itong may gawin sa sugat niya. Napatitig siya sa kamay nito nang umangat iyon at may ipinakita sa kaniya.
"May salubsob na naiwan sa sugat,." anito. "Kailangan itong matanggal bago ibalot ang sugat, kung hindi ay kayo rin ang mahihirapan."
"You could have told me first— hey!" Muli siyang napatuwid ng upo nang biglang kinuyom ni Lawrah ang kamay niyang may sugat. At alam niyang ginawa iyon ng dalaga upang isara iyon at nang tumigil sa pagdurugo. "This is not how you're supposed to handle someone in pain!"
Tahimik na inumpisahang balutin ni Lawrah ang sugat niya. At habang nakayuko ito sa ginagawa ay saka nito sinagot ang kaniyang sinabi, "Ganito po ba kayo ka-ingay kapag nasasaktan?"
Napatitig siya rito— natigilan.
"Maingay pa kayo sa babae..."
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...