Sa loob ng dalawang taon ay matiyang pinag-aralan ni Aris ang pag-crossbreed ng mga halaman, at ang nasa isip at puso nito habang ginagawa iyon ay ang ina at ang kinabukasang naghihintay para sa Ghold's Garden. Sinabi rin nito na iyon na ang huling pagkakataong susubukan nito ang pag-cultivate ng halamang iyon, na kung pumalpak ay hindi na ito uulit.
Itong panlalamang at pagnanakaw nila ay isang malaking bagay na upang saktan si Aris, ano pa kaya kung pati itong project na ilang taon nitong matiyagang pinag-aralan ay sisirain pa nila?
"Ano ba, natulala ka na r'yan!"
Napa-igtad siya sa muling pagsinghal ni Dexter. Naroon pa rin ito sa likod ng secret passage at nakatago sa dilim habang ang tingin ay nasa pinto naman palabas ng storage area.
Pero imbes na tingnan n'ya kung sino ang tinutukoy nitong tao sa labas ay tumalungko siya sa harap ng natumbang flower bed at maingat na kinuha ang isa sa mga halamang nakatanim doon sa pag-asang maisalba pa iyon.
Hanggang may ugat ay mabubuhay pa ang halaman.
At kahit hindi niya alam ang gagawin ay susubukan niyang isalba iyon— konsolasyon sa panloloko at pagnanakaw na ginawa niya kay Aris.
Pasensya ka na, Aris... bulong niya sa isip habang maingat na inilapag sa lupa ang isa sa mga tanim. Hinalukay pa niya ang ibang natakpan at inalis sa pagkakabaon. Nang makuha niya ang ikalawang halaman ay saka lumapit si Dexter at hinablot ang buhok niya.
Nabitiwan niya ang hawak at awtomatikong dinala ang mga kamay sa kamay ni Dexter na naka-hawak sa buhok niya.
"Putangina, Raya, h'wag mo akong sinusubukan. Baka ikaw ang ilibing ko r'yan sa lupa!"
**FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...