CHAPTER 010 - Danger Zone

250 5 0
                                    


"MAY IBINIGAY AKONG ANTI-BIOTIC KAY LAWRAH PARA HINDI MA-IMPEKSYON ang sugat niya," si Susie nang papasukin niya ito sa kaniyang silid nang gabing iyon. Naroon ito para ihatid ang mga bagong tuping damit niya.

"Good. Thanks for doing that." Humakbang siya pabalik sa couch na nakaharap sa glass wall ng kaniyang silid. Mula roon ay tanaw niya ang malawak na field na pumapagitan sa shop at sa bahay niya. Sa kabilang panig naman ng salaming bintana ay tanaw niya ang maliit na pond sa labas na naka-install sa gilid ng bahay. May waterfall feature ding naka-install sa konkretong pader– ang tubig niyon ay bumabagsak sa pond. Sa tagal na ring naka-install ang waterfall feature na 'yon ay tinubuan na ng lumot at local ferns ang pader— giving a forest effect. Sa kabilang bahagi ng pader na iyon ay ang bakanteng lote na katabi ng property niya. It was a tall wall that ensured no one would ever get in.

Patuloy pa rin sa pag-ulan at tuluyan nang sinakop ng dilim ang paligid. Naupo siyang muli sa couch na nakaharap sa glass wall. Ipinatong niya ang mga paa sa footrest saka muling itinuon ang pansin sa pond.

Nang marinig niya ang pagbukas ng reach-in cabinet niya ay sinulyapan niya ang repleksyon ni Susie sa salaming bintana. Isa-isa na nitong inisisilid doon ang mga bagong tuping damit niya.

"Tumigil na ba ang pagdurugo ng sugat niya?" tanong niya makaraan ang ilang sandali.

"Nadugo pa rin pero hindi naman sobra. Nabanggit niyang malalim ang sugat, at sa tingin ko'y kailangang tahiin para maisara. Maya't maya rin ay nagpapalit siya ng Band-Aid. Tig-tatatlo pati ang ginagamit. Buti na nga lang 'ka mo't may antibiotic pa roon sa medicine cabinet. Tinawagan ko na rin si Ma'am Calley para itanong kung pwede niya tayong maresetahan ng para sa sugat ni Lawrah. Ayaw din kasing pumunta sa doktor, maliit na sugat lang naman daw kasi."

Inalis niya ang tingin sa repleksyon ni Susie at muling pinagmasdan ang pagbagsak ng tubig mula sa waterfall feature ng pader patungo sa pond.

"Just watch over her for me, Sus," aniya. "Hindi siya sanay na humingi ng tulong sa iba kahit na nahihirapan o nasasaktan na siya. I don't know what to make of her, pero tayo lang ang kasama niya rito kaya tayo lang ang pwedeng tumulong sa kaniya. Plus, it was my fault."

"Eh bakit nga kasi nasugatan mo iyong tao? Hindi ka naman balasubas kung kumilos. Sa inyong magkakapatid, ikaw ang mahinhin. Magkaganoon man ay ikaw rin ang may pinakamaraming tsiks."

"Lagi mo na lang inisisingit ang mga babae ko sa usapan kahit wala namang koneksyon, Susie."

"Eh, ano nga ang nangyari?" Tatawa-tawa ito.

Napabuntonghininga siya saka inisandal ang sarili sa couch. "You don't need to know."

Yeah. Susie didn't need to know. Dahil kapag nalaman nito ang dahilan kung bakit nangyari iyon kay Lawrah ay dalawa lang ang magiging reaksyon nito:

Pagtatawanan siya dahil iba sa inasahan at nakasanayan ang nangyari.

O... madidismaya ito sa kaniya.

"Aba, bakit hindi ko dapat malaman kung ganitong sa akin mo siya inihahabilin?"

"I was in a hurry, okay? I pulled the wooden stand away from her, not knowing that she was still holding onto it. There."

"Kuuu. 'Yon naman pala, eh. Bakit kailangang i-sekreto?" Lumapit si Susie at nahinto sa likuran ng couch. May inabot itong sweater sa kaniya. "O, heto. Malamig ang panahon kaya magsuot ka ng jacket ngayong gabi. Sinabi ni Lawrah na nabasa ka ng ulan kanina habang nagta-trabaho sa garden. Tsk, baka ubuhin ka bukas n'yan dahil naulanan ka matapos mong pagpawisan. H'wag ka munang matulog nang nakahubad ngayon, ha? Mahina pa naman ang baga mo."

WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon