CHAPTER 045 - Stop This Nonsense - EXCERPT

53 0 0
                                    



**You don't want me to spread the word, do you? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Ma kapag nalaman niyang nahuhumaling ka sa babaeng minsan kang niloko, nilinlang, at pinagnakawan? I don't typically pass judgment on people's histories, but can you imagine the disappointment Ma would feel if she knew what you're involved in? Don't risk giving our mother a heart attack.**


Damn Capri. Gusto niyang sakalin ang kapatid sa pangingialam nito sa buhay at mga desisyon niya pero... may punto ito. Hindi makabubuti sa kaniya itong ginagawa niya. Hindi ito magugustuhan ng kanilang ina, at baka... mawalan ng respeto sa kaniya ang mga taong nakaaalam ng totoong sitwasyon nila ni Lawrah.

Yes. Buong gabi niyang pinag-isipan ang lahat.

Napag-tanto niyang kapag itinuloy niya itong kalokohan niya ay baka mawalan ng respeto sa kaniya si Susie pati na ang kaibigan niyang imbestigador na si Arthur. Maliban pa roon ay hindi niya alam kung ano ang magiging plano niya kay Lawrah.

Tama si Capri, libog lang ito. He was just drawn to her because she was a fuckable woman. Kapag naumay siya ay tatapusin niya ang koneksyon niya rito tulad ng mga ginagawa niya sa mga babaeng nakakaugnay niya. At kapag nangyari iyon, maibabalik pa ba niya ang respeto nina Susie?

Napabuntonghininga siya sabay sandal sa hamba ng kitchen entry. He would never risk the respect people had for him just to satisfy his fantasies.

"I'll probably have sex with you if Susie slept in a different room last night. Pero buti na ring hindi nangyari iyon. Hindi ko alam kung kung papaano kitang haharapin sa susunod na mga araw kung pinagbigyan ko ang sarili ko."

Nakita niya ang unti-unting pagkunot ng noo ni Lawrah matapos ang sinabi niya.

Lihim siyang nagpakawala ng malalim na paghinga.

No, he wasn't reverting to his rude and defensive demeanor; he was simply being honest with her. He wanted her to understand that whatever she was expecting from him was something he couldn't provide.

"Nag-isip ako nang mabuti kagabi kung tama ang ginawa ko noong nasa cabin tayo. I was probably just feeling horny because I haven't had sex in over a week. Pero napag-isip-isip ko kagabi na mali ang nangyari at balak kitang kausapin ngayong araw para sabihin na kalimutan na lang natin ang nangyaring iyon. It wouldn't do us any good. Kapag natapos na itong agreement natin— kapag nahuli na si Dexter— ay kailangan mo pa ring umalis. Kaya hindi tayo pwedeng lumagpas sa hindi dapat lagpasan, Lawrah."

Sandaling natahimik si Lawrah. Ang kaninang maaliwalas nitong anyo ay unti-unting nagdilim hanggang sa muling naging blangko ang anyo nito.

Ilang sandali pa'y nagbaba ito ng tingin at itinuloy ang paghihiwa.

"Okay," anito. At hindi na muling nagsalita pa.

"Okay?" ulit niya. "That's all you have to say?"

"Nasabi mo na kung ano ang gusto mong sabihin at nasagot na rin ang tanong ko kung bakit mo ako hinalikan. Ano pa ang gusto mong sabihin ko ngayon?"

At least say how disappointed you were and that you wanted that to continue

Pinigilan niya ang sariling sabihin iyon. Nauwi na lang siya sa paghinga nang malalim kasunod ng,

"Okay, that's settled then. No hard feelings?" Fuck, he felt so stupid...

But this is for the best.

"No hard feelings," sagot ni Lawrah na hindi na nag-taas ng tingin.




**

FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP

Pop me a message should you be interested to join in

WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon