"Let's not talk for now."Muling napabuntonghininga ang dalaga. "Hindi pwedeng hindi tayo mag-usap. May kailangan akong—"
"I need you to shut up, Lawrah." Bagaman mababa ang tinig ni Aris ay may diin sa bawat salitang binitiwan nito. "Dahil ayaw kong dagdagan ang masasakit na mga salitang binitiwan ko sa 'yo. So please don't force it. Just leave me alone for now."
Pero hindi nagpatinag ang dalaga. "Nabigla lang ako kanina kaya kita nasampal. Pero aminin mong may ginawa kang mali kaya ko nagawa sa 'yo 'yon—" Napa-igtad ang dalaga nang pabalyang inisara ni Aris ang pinto ng cupboard na muntik nang ikatanggal ng mga hinges.
"Mali ang ginawa ko dahil hindi ako nagbayad muna, ganoon ba?" Aris' voice was full of animosity. Nagpatuloy ito nang hindi humaharap, "If you expect me to apologise for the kiss, you can think again. I would rather pay you off than say something that would hit my ego."
"Ang gusto ko lang marinig mula sa 'yo ay kung bakit mo iyon ginawa."
"No apparent reason. I just thought you're an easy-to-get woman, so I gave it a go." Yumuko ito at ang mga drawers naman sa ibaba ng lababo ang sinilip.
Muli ay nakaramdam ang dalaga sa panliliit. Ang bawat insultong naririnig nito mula kay Aris ay may kakaibang epekto rito. Para kay Lawrah, ang isang insultong naririnig nito sa binata ay katumbas ng sampung insulto mula kay Dexter.
Mas mabigat. Mas mapanakit.
Napayuko ang dalaga. Sandaling natahimik.
Si Aris naman ay nakita na ang bagay na kanina pa nito hinahanap. A bottle of honey. Inilabas nito iyon mula sa drawer; halatang wala pang bukas. Bitbit iyon ay humakbang ito palabas ng cabin, subalit bago pa man nito marating ang pinto ay muling nagsalita si Lawrah,
"Iyon ang unang halik ko, Aris."
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...