CHAPTER 030 - Turn The F*cking Table - EXCERPT

132 3 0
                                    


"What do you want?"

Bumaba ang tingin ni Lawrah sa nakatambak na lupa sa harapan ni Aris. Hindi pa rin nagagalaw ang nagkalat na mga hybrid plants.

Napakagat-labi ang dalaga. "P-Pasensya na po sa nangyari sa mga halaman–"

"Maibabalik ba ng pasensya mo ang mga halamang ito?" Humithit muli si Aris saka paitaas na ibinuga ang usok. "Nangyari na ang nangyari at kahit lumuhod ka pa sa harapan ko ay hindi na maibabalik ang mga halamang nasira. Pero sigurado akong hindi iyan ang dahilan kaya ka narito. Ano ang kailangan mo?'

"Natumba ang flower bed dahil itinulak ako ni Dexter—"

"Like I said, Lawrah, nothing you say will bring these flowers back. At nakikipag-usap ako sa 'yo nang mahinahon ngayon kahit punung-puno ng galit ang dibdib ko. I don't want to yell at you because I'm tired of doing that. I just want peace tonight."

Napayuko ang dalaga. Pinagsaliklop nito ang mga kamay. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mabawi ang mga tinangay ni Dexter, Sir Aris. Lahat-lahat. Nangangako akong makikipag-koopera. Pero... may dalawa po sana akong kahilingan—"

"You are not in a position to have wishes, Lawrah." Kalmado ang tinig ni Aris subalit mariin. Nuot hanggang buto. At ramdam ni Lawrah ang pagtitimpi nito. "You are here as my leverage, nothing else. At tutulungan mo ako sa lahat ng paraang alam mo para mabawi ang mga gamit ko mula kay Dexter. Period. You don't get any favors in exchange for that."

"Alam ko po kung... ano ang papel ko ngayon sa sitwasyong ito. At alam kong wala akong karapatang humiling sa inyo matapos ang panlolokong ginawa ko. Pero... determinado rin po akong magbagong-buhay at kumawala mula sa manipulasyon ng kahit sino. Kaya sana ay–"

"Alam mo bang gustong-gusto kitang sigawan ngayon?" Nakita ni Lawrah ang pagkuyom ni Aris ng isang palad nito— at doon sa loob ng palad nitong iyon ay ang upos nang sigarilyo. "Pero kapag hinayaan ko na namang kumawala ang galit ko ay baka hindi na naman ako makapag-pigil sa mga salitang bibitiwan ko. I am losing myself because of my rage. Hindi ko nakikilala ko ang sarili ko kapag galit ako. So, I'll give you ten seconds to turn your back and return inside. Otherwise, you'll be sor—"

"Dalhin ninyo ako bukas sa presinto at isuko sa mga pulis at wala tayong pag-uusapan, Sir Aris."



**

FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP

Pop me a message should you be interested to join in

WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon