"Walang nakaaalam kung anong buhay ang naghihintay sa akin kapag natapos na ito. Maaring dumating ako sa puntong iyan, sino ang makakapagsabi? Pero sa totoo lang ay mas nakikita ko ang sarili kong pumasok sa isang monasteryo."
Hindi napigilan ni Aris ang pagtaas ng mga kilay. "Ikaw? Sa monasteryo?"
"May problema ba? Hindi ba maaaring magbago ang isang tulad ko? Hindi ba mahuhugasan ng pagpasok ko sa monasteryo ang pagiging marumi kong babae?"
"Sa 'yo nanggaling ang mga salitang 'yan, Lawrah." Aris narrowed his eyes, restraining himself from uttering words that might hurt Lawrah. He paused for a while to carefully consider what to say next. "I just thought it would be a waste if you joined that monastery. You're too gorgeous for that."
Humugot nang malalim na paghinga si Lawrah bago seryosong sumagot, "Mas makabubuti siguro sa pagitan natin na tigilan ang ganoong uri ng pagpupuri."
"What?"
"Ang ibig kong sabihin ay ayaw ko nang makarinig ng ganiyang uri ng papuri. Hindi ko alam kung para saan at sinasabi mo iyan, pero sa tingin ko'y mas makabubuting magbigay tayo ng distansya sa isa't isa. "
"I can live with that." Unti-unting pinakawalan ni Aris ang paghinga. "Kung ayaw mong puriin kita ay h'wag ka ring magpakita ng pag-aalala sa akin. Tigilan mo na ang pagtatanong kung okay lang ako o kung magaling na ang sugat ko."
"Okay." Kay lamig ng tugon ni Lawrah.
Na sinagot din ni Aris sa kaparehong tono, "Okay."
Hindi na nagsalita pang muli si Lawrah nang padabog na tumayo si Aris at hinablot ang helmet na ipinatong nito sa ibabaw ng mesa. Bitbit iyon at ang box ng gatas ay tumalikod ito at humakbang patungo sa back door.
Sinundan ito ng tingin ni Lawrah, at nang marating ni Aris ang pinto ay nakasimangot itong lumingon saka nagsabi ng,
"For the record, you're not really that gorgeous!"
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...