CHAPTER 041 - Letting All Inhibitions Go - EXCERPT

105 3 0
                                    


"Get out of the range— lumayo ka at ihuhulog ko isa-isa ang mga bunga."

Umatras si Lawrah ng ilang dipa— ilang metro sa kinatatayuan kanina. Pero... sa pagkaka-atras nito ay doon na ito umabot sa bahaging hindi na niya matanaw mula sa kinaroroonan dahil natatakpan na ito ng mga dahon at sanga.

"No, not that far!"

Humakbang si Lawrah pabalik. At nang makita na niyang muli ang mukha nito'y...

"There. Just stand there and don't move further."

Tumango ito.

Ibinalik niya ang tingin sa mga bunga sabay pakawala ng ngiti.

Lawrah had no idea that it was for his benefit...

Shit. Para nga talaga siyang teenager. Kapag nalaman ng mga naging babae niya itong inaakto niya'y pagsasasampalin siya ng mga ito. At kapag nalaman ng mga kapatid niya'y pagtatawanan siya.

Well, no one's gonna know... he thought to himself. Nobody else should know.

Naiisip pa lang niya kung papaano siyang pagtatawanan nina Quaro at Free ay nabu-bwisit na siya. Dagdagan pa ang panunukso at panunudyo nina Lee at Leonne... o ang mapanghusgang tingin ni Acky na siyang una niyang pinagsabihan tungkol sa mga nangyayari. Lalo na si Capri na alam ang pinagdadaanan ni Lawrah.

Well, damn all of them, he thought again.

Isa-isa niyang inabot ang mga bunga, at isa-isa ring inihulog ang mga iyon.

"Damn Quaro and Free," usal niya bago binitiwan ang unang bunga upang mahulog sa ibaba.

"Damn Lee and Leonne," aniya bago binitiwan ang pangalawang bunga.

"Damn Acky and Capri." The third one followed next.

"Damn all of them!"



**

FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP

Pop me a message should you be interested to join in

WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon