LINGGO NG UMAGA nang makabalik si Aris sa Ghold's Garden. Alas sinco ng madaling araw ay naiparada na nito ang dalang sasakyan sa garahe.
Pagpasok niya sa bahay ay kaagad siyang dumiretso sa kaniyang silid, subalit bago pa man niya tuluyang mabuksan ang pinto ay sandali siyang napahinto at inilibot ang tingin sa buong bahay.
He couldn't explain it, but he felt something strange. Tipong parang... may nag-iba. May kakaiba.
Wala namang nagalaw na mga furniture, wala ring nabago sa paligid, pero... pero may iba siyang nararamdaman.
Salubong ang mga kilay na itinuloy niya ang pagpasok sa silid. Bago tuluyang pumasok ay muli niyang inilibot ang tingin doon. Wala ring pagbabago. Walang nagalaw.
Sinapo niya ang ulo. Masyado siyang nag-o-overthink.
Sandali niyang inalis sa isip ang kakaibang nararamdaman saka dumiretso sa banyo upang maligo.
Makalipas ang kalahating oras ay lumabas siya sa bahay niya, at bago lumipat sa kabila ay tiningala niya ang CCTV na naka-install sa posteng nasa harapan ng glass house. Nang masigurong gumagana pa rin iyon ay itinuloy niya ang paghakbang.
Pagpasok niya sa kabila ay kaagad siyang nahinto nang matanaw si Susie sa kusina. Nagtaka siya. Hindi iyon ang regular na gising ni Susie.
Nagtatakang itinuloy niya ang paghakbang saka nilapitan ito.
"Hey, Sus."
Kaagad itong napalingon mula sa pagbabalat ng carrots sa lababo. Wala pa itong hilamos at nakausot pa ng pajama.
"Morning, Sir. Ano'ng oras ka umuwi?"
"Half an hour ago." Bumaba ang tingin niya sa ginagawa nito. "This is odd. Bakit ka nagluluto ng almusal at bakit ganito kaaga ay gising ka na at naghahanda r'yan?"
"Ay naku, mataas ang lagnat ni Lawrah. Buong gabing hindi nakatulog. Sa pag-aalala ko'y naglatag ako ng banig doon sa silid niya para bantayan siya. Nilalamig buong gabi kahit nakapatay na ang electric fan at balot na balot ang katawan ng jacket at kumot. Tatlong dobleng kumot na nga ang ipinatong ko sa kaniya pero ayaw pa ring tumigil sa panginginig, eh. Kaya heto, maaga akong nagising para ipagluto siya ng sabaw. Baka sakaling mainitan ang pakiramdam niya."
Kaagad siyang sinalakay ng pag-aalala. Nilingon niya ang pinto ng silid ni Lawrah bago siya tumugon sa sinabi ni Susie, "May pinainom ka na bang gamot sa kaniya?"
"Mayroon, pero paracetamol lang. Nag-message nga rin ako kay Ma'am Calley para magtanong, pero baka tulog pa kaya hindi nakapag-reply. Ayaw din kasing magpadala sa ospital ni Lawrah."
"Can I go see her?" Damn it, what?!
Shit. What was he thinking?
Plano niyang kausapin si Lawrah sa araw na iyon upang sabihin ditong iyon na ang huling araw nito sa trabaho. Pero nasaan ang puso niya para gawin iyon kung ganitong masama ang pakiramdam nito?
"Pwede mong silipin pero h'wag mong gisingin muna, ha? Halos hindi rin nakatulog 'yon buong gabi sa sobrang sama ng pakiramdam. Ngayong umaga lang siya tuluyang naidlip."
Hindi na siya nagsalita pa. At bago pa niya napigilan ang sarili ay kaagad na siyang humakbang papunta sa silid ni Lawrah at sandaling humugot nang malalim na paghinga bago dahan-dahang pinihit pabukas ang seradura. Maingat niyang ini-awang ang pinto, at binuksan iyon nang sapat lang upang silipin ang dalaga.
Unang kumuha ng kaniyang pansin ang nakalatag pang banig ni Susie sa sahig. Ang kumot at unan ay hindi pa naligpit— which was so unlikely. Hindi iniiwan ni Susie ang higaan nang hindi naka-ligpit.
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...