"Ano'ng problema, Sir Aris? Naitali ko na nang maayos ang lubid, hindi na po mauga ang tulay. Takot po ba kayo?"Ang kung ano mang pag-aalala na nasa dibdib niya kanina ay biglang napalis nang marinig ang huling sinabi nito. Muli ay nag-init ang ulo niya.
"Ano ba talaga ang tingin mo sa akin, ha, Lawrah?"
Banayad na nagkibit-balikat ang dalaga. "Kung... hindi kayo takot ay bakit hindi pa kayo sumusunod?"
"Because I don't trust the way you tied the rope. Ano'ng malay ko— baka hindi maayos ang pagkakabuhol mo at hindi kayanin ng tulay ang bigat nating dalawa?"
"Maayos kong naibuhol ang lubid, Sir Aris. At mukhang matibay pa ang kahoy na ginamit sa tulay. Sa tingin ko ay kakayanin tayo nito, kaya... h'wag na kayong matakot."
Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya, pero nahihimigan niya ang paghahamon nito sa kaniya. This freaking woman was testing him!
He ended up gritting his teeth in frustration and annoyance. "Kanina ko lang sinabi sa 'yo na piliin mo nang maayos ang mga salitang lumalabas d'yan sa bibig mo."
Lawrah pressed her lips and looked away. Ipinagkamali niya ang pag-iwas na iyon bilang pagkubli nito sa akmang pagtawa. Lalo siyang napikon.
Padabog niyang isinukbit ang bag sa balikat niya saka nagngingitngit na humakbang palapit sa tulay at doon ay sumampa. Dahil sa bigat niya ay bahagya iyong gumewang, at sa pag-aalala niyang kumalas ang pagkakabuhol ng lubid ay napa-atras siya pabalik sa lupa.
Shit. Dahil sa pagdadabog niya'y gumewang-gewang ang tulay.
His jaw flexed as he lifted his gaze back to Lawrah. Nakita niya itong nakalingon muli sa kaniya— ang anyo ay hindi niya mailarawan.
"What?" he snapped.
"Mukha po kayong aatakehin sa puso."
"Oh, fuck off!"
Ngumiti lang si Lawrah sa huling sinabi niya bago tumalikod at itinuloy ang paghakbang hanggang sa tuluyan itong makatawid at marating ang kabilang bahagi.
Siya naman ay nanatili sa kabilang dulo at tulalang napatitig dito.
At natulala siya dahil tila biglang may sumipa sa dibdib niya pagkakita sa ngiting iginawad nito sa kaniya.
And as he stared at Lawrah on the other side of the bridge with a soft smile on her lips, he couldn't help but whisper something in the air...
"Lord..." He breathed in and out. "Don't let me fall."
And by that, he didn't mean off the bridge.
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...