Si Dexter na nakaupo sa maliit na sala at nakabantay sa harap ng pinto ng silid ay muling nagsindi ng yosi. At habang humihithit ay naririnig nito ang banayad na ingay mula sa loob ng silid. Makalipas ang halos dalawang minuto ay bumukas ang pinto saka hangos na lumabas si Mr. Chu na nag-tataas pa ng zipper. Ang mukha nito'y hindi maipinta.
Biglang napatayo si Dexter sa pagtataka.
"Mr. Chu, ano ang—"
"Mataas ang lagnat ng alaga mo!"
Natulos si Dexter sa kinatatayuan; hindi alam kung papaano pakalmahin ang paboritong customer.
"Ayaw kong gumalaw sa babaeng may sakit! Punyeta ka, Dexter, lalamangan mo pa talaga ako!"
Lumampas ang tingin ni Dexter sa balikat ni Mr. Chu, at nang makita si Lawrah na hindi umaalis sa pagkakadapa sa kama habang patuloy sa panginginig ay lihim na napa-lagitnit ng ngipin si Dexter.
"Ibalik mo ang pera ko, Dexter, bago pa lalong mag-init ang ulo ko."
Ibinalik ni Dexter ang tingin sa instik, at nang makita ang pagdilim ng anyo nito'y ay pilit na ngumiti ang lalaki. "P-Pero Mr. Chu, wala namang sakit si Raya. Kaunting sinat lang 'yan dahil naulanan at–"
"Ibalik mo sabi ang pera ko!"
Ayaw ni Dexter na galitin lalo ang customer, kaya sa kabila ng panghihinayang at pagtutol ay dinukot nito sa bulsa ang sobreng ini-abot ni Mr.Chu kanina bilang kabayaran sa dapat ay serbisyong ibibigay ni Lawrah.
Nang makaalis ang insik na negosyante ay nag-uusok ang tengang sinugod ni Dexter ang dalaga. Hinablot nitong muli ang buhok ni Lawrah na sa mga sandaling iyon ay namimilipit na sa sakit ng tiyan.
"Puta ka, Lawrah! Napakawala mong silbi!"
Bago pa nakailag ang dalaga ay nasapol na ni Dexter ang pisngi nito. Naramdaman ni Lawrah ang pagkakasugat ng ibabang labi sanhi ng sampal na ini-gawad ni Dexter, subalit hindi niyon matabunan ang sakit na nararamdaman sa ilalim ng puson.
"Umalis ka ngayon din sa harapan ko bago pa kita mapatay! At siguraduhin mong sa susunod na tawagan kita'y nakuha mo na ang kailangan mong makuha mula sa Ariston Ghold na iyon, tonta!"
**FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...