"THANK FUCKING GOD, I FINALLY GOT YOU!" Ang lakas ng tinig ni Aris ay dumagundong sa tahimik na fire escape ng ospital. "I have been trying to call you since this morning. Bakit ba walang signal d'yan sa lugar mo ngayon?"
"Whoa, whoa, whoa. What is this all about?" Si Capri sa kabilang linya. The line was choppy and the background was rowdy. Naririnig niya ang malakas na ingay ng makinang nagpuputol ng kahoy, mga nagpupukpok, naglalagari, sigawan ng mga lalaking trabahador... at tunog ng mga sasakyan sa hindi kalayuan.
"You busy?"
Sandaling natahimik si Capri sa kabilang linya bago sumagot, "Is it true that you can't hum while pinching your nose?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Aris— sandaling natigilan sa balik-tanong ng kapatid. "What?"
"The answer is yes. I'm busy. And it's true that you can't hum while pinching your nose."
Napayuko si Aris sabay hagod ng noo. "Why is it always so hard to conversate with you, Caprionne?"
Capri chuckled on the other line. "I only do that to you, and that's because you're my favorite big bro. So, did you try it to confirm?"
"Confirm what?!"
"That you can't hum while pinching your nose."
"Stop giving me this stupid fun fact, Caprionne. Hindi ako tumawag para sa ganiyan."
"Pfft. You're such a killjoy. So, what 'you need?"
"Your help."
"Is that a Math problem?"
"I'm fucking serious, Capri."
Muling natawa si Caprionne. "Fine. I only have five minutes so start talking."
Huminga muna nang malalim si Aris upang alisin ang inis na bumangon sa dibdib. Nainis ito sa kaalamang may limang minuto lang pala si Capri para sagutin ang tawag pero nagawa pang mag-aksaya ng oras para sa walang kwentang fun fact nito.
Nang huminahon na ang pakiramdam ay saka nagsalita si Aris, "Kailangan ko ang tulong mo na mabigyan ng trabaho ang... bagong trabahador ko sa garden."
"Kung trabahador mo na siya, bakit pa siya magta-trabaho sa akin?"
"Because I'm going to fire her."
"What the heck did you just say?"
"I said I'm going to fire–"
"Did you just say her? It's a she?"
"Yeah..."
"God damn it, Aris. Ano'ng butas na naman 'tong pinasok mo?"
"Yo. Don't talk to me as if you were older. And don't use the tone we only use for Sacred and Sage!"
"But what is this? Bakit mo sa akin ipinapasa ang... babaeng trabahador mo?"
"Because I don't want her in my garden—"
"Just let her go so she could find a new job. Bakit kailangan ko siyang saluhin?"
Napabuntonghininga si Aris, at sa banayad na tinig ay sinabi ang sitwasyon ni Lawrah sa kamay ng nakatatanda nitong kapatid.
Si Capri, matapos marinig ang sitwasyon, ay nagpakawala rin ng buntong hininga. "I'm sorry about her situation, but I don't think I can help her, Aris. Maliban na lang kung marunong siyang mag-masa ng semento, maglagari ng kahoy, o magpintura ng buong bahay, I don't think I can give her a job in my firm. Kahit ang HR at admin staff ko ay puro mga lalaki na marunong mangarpintero. The only female in my property is Melay— who you already know is a master of everything. Kulang pa nga ang ilan sa mga gawaing-bahay sa kaniya, eh."
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...