"Didn't you realize that this forest could be a dangerous place for a newcomer like you?"Matagal bago siya sumagot, "Tinandaan ko naman po ang daan..."
"Tinatakpan ng makakapal na sanga at dahon ng mga naglalakihang puno dito ang daan, at pangalawang araw mo pa lang dito sa gubat. Kahit tandaan mo ay hindi imposibleng hindi ka maligaw sa gitna ng dilim. Sa tingin mo ba, kung wala itong mga light bulbs na ito, ay malalaman mo ang tamang direksyong tatahakin pabalik ng cabin?"
Wala sa loob na tumingala siya sa nakapaikot na mga light bulbs sa labas. "Ibig sabihin ay... naglabas kayo ng ganitong mga ilaw para sa... akin?"
"Of course not! Ano'ng tingin mo sa sarili mo? Espesyal para gawin ko 'yon?"
Nagbaba siyang muli ng tingin at nakita si Aris na hinugot ang palakol saka muling pumwesto upang ituloy ang pagsisibak.
"I was looking for this ax when I stumbled upon those bulbs stashed under the kitchen cabinet— courtesy of one of my brothers. Ginamit ko na rin lang para may liwanag ako dito sa labas habang nagsisibak ng kahoy. I didn't put them here for you— so don't flatter yourself." Muling hinataw ni Aris ang kahoy gamit ang palakol. Sa pagkakataong iyon at tinamaan nito ang kahoy at iyon ay nabiyak sa gitna.
Napailing siya. Ang kaniyang tingin ay natuon sa kaliwang kamay ni Aris na may sugat. Ang huling naalala niya'y puting basahan ang pinang-balot niya roon kanina, pero ngayon ay nagkulay pula— o brown na iyon.
"Bakit hindi na lang natin putulin iyang kaliwang kamay ninyo, tutal ay mukhang hindi n'yo rin gustong gumaling iyan dahil d'yan sa mga pinaggagagawa ninyo?"
Ang akmang muling paghataw ni Aris sa nabiyak na kahoy ay naudlot nang marinig ang sinabi niya. Muli siya nitong binalingan, ang tingin ay matalim.
Nagpatuloy siya. "Nakalimutan ninyong dalhin ang gamot na dapat ay magpapagaling d'yan sa sugat ninyo. Itinahi iyan upang sumara, pero heto kayo at pilit na gumagawa ng mga bagay na makapagtatagal sa pag-hilom ng sugat ninyo. Sa tingin ko ay wala kayong paki kung gumaling iyan o hindi, kaya bakit hindi na lang ninyo putulin?"
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...