"What are you doing?"
"W-Wala po—"
"What was that thing you tried to hide?"
"G-Gamot ko lang po, Sir..."
"Gamot? Kung ganoon, bakit mo biglang itinago?"
Hindi ito sumagot. Bagkus ay napakaga-labi ito at yumuko.
Lalo siyang naghinala. "Gumagamit ka ba ng droga, ha, Lawrah?"
Bigla itong napa-angat ng tingin; nanlalaki ang mga mata.
Doon niya ito tinapunan ng masamang tingin. "Umamin ka."
Sunud-sunod na umiling ang dalaga. "M-Matagal na akong hindi guma—" Nahinto ito sabay singhap. "A-Ang ibig kong sabihin ay—"
"So, you were?!" Labis-labis ang panggilalas niya. At ngayon ay dumating na siya sa puntong hindi na niya alam kung ano ang gagawin at iisipin tungkol dito. He was so shocked by that revelation he didn't know what to say anymore.
"S-Sir Aris, ang ibig ko pong sabihin ay—"
Natigilan si Lawrah nang makitang inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang hawak na milk box at humakbang palapit dito. Sa isang kisap-mata'y nasa harapan na siya nito, at bago pa man nito mahulaan ang sunod niyang gagawin ay nagawa na niyang i-angat ang kamay nitong may hawak sa bagay na bigla nitong dinakma kanina mula sa lababo. At bago pa man ito makapalag ay inagaw na niya –gamit ang isa pa niyang kamay– ang hawak nito.
"What the hell is this?" He silently read the name imprinted on the box. At nang mapagtanto kung ano iyon ay mangha niya itong tinitigan. "Birth control pills?!"
Nakita niya ang mariing paglunok ni Lawrah bago ito napayuko saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Lawrah's reaction was as good as a confirmation.
And he didn't want to admit it to himself, but he somehow felt... disappointed by the thoughts of her taking those pills.
But more importantly, he was confused.
Muli siyang kinunutan ng noo nang may maisip. Wala sa sariling ibinaba niya ang box ng pills saka muling nagsalita, "Wala kang asawa at wala ka 'ka mong kasintahan— Susie said so. At sa loob ng dalawang linggong paninirahan mo rito ay hindi ka pa lumalabas para mag-day off. Maliban din sa kuya mo na dalawang beses lang pumarito ay walang ibang lalaking bumisita sa 'yo. So, tell me, Lawrah. Para saan ang contraceptive na ito?"
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
BINABASA MO ANG
WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)
RomanceAriston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women. He just knows exactly how to get through them and leave a lasting impression on them. Doon ito nakil...