CHAPTER 032 - The Makeover - EXCERPT

126 4 1
                                    




"Bibigyan kita ng pagkakataong bumawi sa ginawa mong panlilinlang sa akin, Lawrah, sa paraan ng pagtulong mo sa aking mabawi ang lahat ng mga natangay ni Dexter. In return, I will not file a case against you. You are free to go and do whatever you want to do as soon as Dexter is found and locked up, and all my belongings are returned to me. This is basically the original deal I made with you, but this time, this is all true. Ako na ang bahalang linisin ang pangalan mo sa tulong ni Art, all you have to do is to get Dexter out of his hiding place and bring my items back to me as soon as possible. Alam ni Susie ang deal na ito kaya makaaasa kang tutuparin ko ang kasunduan."

Tama. Parang pangalawang ina na rin ni Aris si Susie kaya alam niyang tutuparin ni Aris ang sinabi nito.

Bagaman nanatili siyang tahimik ay lihim siyang nagpasalamat sa naging pasiya ni Aris. Sa pagkakataong ito ay naniniwala siyang paninindigan nito ang sinabi..

"I want to be clear that I'm only doing this because I desperately need the money to fulfill my goal, and to retrieve the sentimental items left for me by my biological family and my adopted parents. But not because I forgive you. I will never forgive someone who betrayed my trust."

Muli siyang humugot nang malalim na paghinga bago banayad na tumango. "N-Naiintindihan ko—"

"I'm not finished— just shut up and listen to me first."

Pinagdikit niya ang mga labi. Bagaman nasanay na siyang pinagsasalitaan nang ganoon, ay hindi pa rin niya napigilang makaramdam ng bahagyang inis sa paraan ng pagkakasabing iyon ni Aris. Pakiramdam niyang may kung anong bulkan na nag-a-alboroto sa loob ng katawan niya.

Ano ang tawag doon?

Tapang?.

    Sa tingin niya'y unti-unti na niyang nahahanap ang lakas ng loob na ipaglaban ang sarili dahil ngayon ay umaalma na siya...

    Magandang senyales ba ito?

    "Hindi ko alam kung gaano katagal ang hihintayin natin bago muling magpakita at magparamdam si Dexter sa iyo, pero sa loob ng mga araw na narito kay ay may ilan akong kondisyon."

Kinunutan siya ng noo sa pagkalito. Magkaganoon man ay hindi siya nagtanong at hinayaan lang itong magpatuloy.

    "First, I need you to stop playing shy and coy," patuloy ni Aris. "Show me the real you. Stop the stuttering and start looking me in the eye. Like last night. Mas madali sa aking harapin ka nang ganoon ka at hindi iyong nagpapanggap kang kawawa at takot na takot. It's easier to deal with someone who fights back, rather than the one who pretends like an angel. Hindi ko na kayang makinig ang pautal-utal mong salita at ang paraan ng pakikiharap mo. Don't stare on the floor when you speak to me. Stare straight in my eyes. That way, malalaman ko kung nagsasabi ka ng totoo. Because I don't want to be played by anyone anymore."

    Pinanatili niya ang sariling tahimik.

    "Secondly, while you live in my house and eat the food I put on the table, you must abide by my rules. You will no longer be working for me as an assistant but you are required to help Susie with the household chores. Hindi ka prinsesa rito o bisita. You will answer and come to me when you are summoned and you will never— ever— question anything I say."

    Walang problema sa kaniya iyon.

    Kung ang mahalaga kay Aris ay mabawi ang lahat ng natangay ni Dexter sa nakatakdang panahon, ang mahalaga naman sa kaniya ay tuparin nito ang pangakong palalayain siya matapos ang lahat ng ito. Hindi na mahalaga ang iba pa.

"Last but not the least, I need you to change the clothes you wear."

    Doon na naman siya kinunutan ng noo, at hindi na napigilang sumagot. "Ano ang kinalaman ng suot ko sa—"

    "Masakit sa mata. Mas mukha ka pang matanda kaysa sa nanay ko at kay Susie."





**


FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP

Pop me a message should you be interested to join in

WATCH ME FALL (Ariston Ghold Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon