Mata ng katarungan, pikit sa kamalian.
Timbangan ng hatol, may pinapanigan.
Dukhang nasa ibaba, Mayamang nasa itaas.
Hindi bat kay pait, yaring hustisya'y gipit.Isatinig katarungan, isalita lakas ng kakayahan!
Isagawa nang may paninindigan, hindi nasusuhulan.
Batas ay salat sa tama, panig sa mali.
Ano'ng sakit katarungan ay nakapiit, sa maling pagkilala't paggamit.Hindi bat ang hustisya'y may katarungan?
Hindi bat ang katarungan ay may hustisya?
Pagbaliktarin man natin, iisa ang salawikain.
Katarunga'y mulat sa hustisyang halos lahat sinasalamin.Batikos ng mundo ay karadumal-dumal.
Maraming tiwaling taong kasalanan ay sakmal.
Maraming taong may ipinagbabawal.
Dahil yaring katarungan ay hindi mulat dahil nasasakmal.Walang hatol ang natatalong hindi ipinaglalaban.
Walang parusang paulit-ulit na nararamdaman.
Walang katarungan na hatid ay kamalian.
Pagkat yaring katarungan, mulat sa tamang nasa katwiran.Katarungan ay gipit man at sakmal sa maruming kamay.
Pinilit na maka-alpas sa maling pakikisabuhay.
Nang lumuwag ang sakal na napakahigpit, hustisya'y naisa-tinig.
Sa pagbangkol ng martilyo ng katarungan, naipanalo ang hustisyang ipinaglaban.Dugo, luha, sarili ang sandata sa laban.
Tatag, Pagtitibay, ang tanging kalakasan.
Layuning katarungan ay maisakatuparan.
Sa taong uhaw na maipanalo prinsipyong ipinapaglaban.
Tanging timbangan ng katarungan ang kasangkapan, kung saan pantay ang katapatan.Muli ng nakita ng katarungan ang hustisya.
Nakamit na ng biktima ang hustisya.
Nahinto na sa maling sistema.
Napatunayan na ang tama.
Wasto na ang pagbungkol ng katarungan.Katarungan ay hindi bulag, sa nakikitang pangyayari.
Katarungan ay hindi pipi, sa salita ng nakararami.
Katarungan ay hindi bingi, sa sigaw ng mapagkunwari.
Katarungan ay hindi pilay, sa hakbang ng katotohanang sinasabi.
Katarungan ay nanatiling panig sa tama.
Akusahan man yaring Mali, may ipaglalaban na Hindi.
Sa magulong mundong ginagalawan.
Kadalasan pikit ang katarungan.
Dahil tinatakpan ng kamay na puro bahid ng dungis at kamalian...Salamat na agad sa pagbasa💜
emeeeraald
Larkenechii
BoukYakuu
Jennyyyyy08
Mr_Agaxy
bulanxx_zene
LadyLonelySadness
Alleatresvhianegamusian
clearine_wp
maikavene
Araxxie
LadyOfHisHeart
kwiinmartha
AlyxJhoy
munkiachiche
UndeadGhost1003
Jeeyems
dandelions73
deliciousime
BINABASA MO ANG
TULA (POETRY)
Poetry"Batang matayog na pangarap ay nais liparin, hayaang sumama sa naglalayag na saranggola sa papawirin. Tunguhin ko'y mailatha yaring akda na sa isipa'y nagkukumawala. Hayaang lunurin ang isip ng kathang tula at maihatid sa madla."