"KAMATAYAN."

8 3 0
                                    

Mata'y namula, kasabay ng luha.
Labing nanginig, katawa'ng tumigas.
Isa'ng luha, isa'ng ala-ala.
Patalim na tumarak sa hininga.

Paghinga ko'y tila pintig ng puso.
Walang tigil at paulit-ulit na nanlumo.
Mata'y kumikislap, nagniningning na ngiti.
Kasabay na luha'ng puno ng lungkot at pighati.

Kapanahunan ko'y naalala, sariwang pusong sinisinta
Kalabisan ng musikero sa pintig ng puso't tenga.
Diwa ko'y nagwika, repleksiyon ko'y lumuha.
Ngiti sa labi'y nawala, napalitan ng lungkot at awa.

Ngumiti sa huling saglit, sumilay na liwanag sa paligid.
Luha'ng naghihikahos, huminto ka't huwag ng lumandas.
Kapanatagan ng puso'y nasa paraiso.
Huwag mangamba pagkat nasa paraisong buhay yaon ako.

Hindi kaya'ng maibsan lahat ng ala-ala.
Hindi ibabaon sa lupa ang binuong nakaraan.
Saglit na halik ay di malilimutan.
Sa huling hininga hiling ko'y iyong malamyos na yakap.
Kung saan tila ang puso ko'y nasa alapaap.

Matatapos ang lahat, pero hindi ang pag-ibig.
Patulo'y na lalago't magbubunga ng bituin.
Sa puso'ng kahit pasaring, dakilang pag-ibig ay mithiin.
Mundong walang katapusan, nawa sa suyuan walang iwanan.

Ngunit maglalaon darating ang unos.
Sisirain, wawasakin ang bawat binuong nakaraang ka'y lamyos.
Darating ang umaga na mawawala ang saya.
Kung saa'y mapapalitan ng humahagubilis na luha.

Kalabisan ng puso'y inaatim ang 'yong ngalan.
Datapwat nais ka muling mayakap yaon ding hagkan.
Kahit sa huling sandali ng hininga, maghili sa isa't-isa.
Tangin'g ikaw lang ang aking pahinga sa mga oras na lugmok at pagod na tila susuko na.

Kapag ako'y hinatak ng langit, isa'ng salita na sa isip mo'y wag mawaglit.
Na ako'y sayo at ang pag-ibig ko'y iyong-iyo.
Tangin'g ikaw lamang ang mamahalin ko, oh binibini ng buhay ko.
Kapanatagan ng diwa't puso ay nakasalalay sa 'iyo.

Kapag higpit ng hawak ko'y lumuwag.
Kapag yakap ko'y hindi mo madama.
Kapag luha ko'y tumulong bigla.
Wala kang gagawin kundi magpaalam gamit ang puso at isip sinta.

Lalaon magsasama tayo.
Lalaon magkikita tayo muli sa paraiso.
Lalaon bubuohin ang ginawang pangako.
At kapag nangyari yaon, tayo'ng dalwa'y nasa paraiso kung san ang diyos ay kasama sa 'ting pangako.

Aking sinta sa 'king paghimlay, huwag tumangis.
Pagkat mahihirapan ako'ng umalis.
Kung sa lupa isa na lamang ako'ng bangkay.
Pero sa paraiso ako'y buo at nanatiling buhay.

Babantayan ka sa lahat ng bagay.
Hihintayin ang araw na tayo'y muling magsasama.
Muling sasariwain ang ating ala-ala.
Sa mundong walang katapusan, walang sakit, luha, lungkot na mangyayari.
At walang iwanan na magaganap.

Nais ko'ng isama ka sa paglalakbay.
Ngunit kailangan ko munang maghintay.
Nais kong kasama kang magtatampisaw sa batis, mahiga sa lilim ng puno, tumakbo sa damuhan, at magkahawak kamay na naglalakbay sa dalampasigan.
Mithiin ko'y matutupad, kapag dumating sa tamang oras at panahon.

Kapag dumating ang liwanag.
Pag-asa sa puso'y makakamtan.
Kasabay ng paglandas ng luha.
Pag-iwan sa aking lupang katawan.
Isa'ng saglit ngingiti sa liwanag.
Isa'ng saglit hahagkan, kahit hindi mo malasap.
Isa'ng saglit yayakap, kahit hindi mo madama.
Ngunit isa'ng salita lang ang maiiwan kapag ako'y naglakbay na.
PAALAM na sinta, hihintayin kita sa ating suyuan, dumaan man ang luma ng panahon.
Ikaw at ikaw pa rin ang yaman ko sa kahapon, magpa hanggang ngayon.
Lipas na ang oras, kailangan ko ng tumawid sa kabilang buhay, paalam na aking binibining minamahal...

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon