Sariwa ang ala-ala sa nagdaang panahon.
Ang malalim na tipak ng kahapon.
Yaring malayong paglalakbay ang tuon.
Nakatala sa isip, nakatanim sa puso.
Ang mundong walang patutunguhan, puno ng imahinasyon ang laman.Naglakad sa damuhang lupa lamang?
Humawak sa ulap na tanging usok lamang?
Kumapit sa patalim, ngunit di nasugatan?
Paano'y imahinasyon at katha ng mapag-larong isipan.Ako'y maglalakbay kasama ang mapaglarong mundo.
Sisikat din ang bukas sa magulong puso.
Kapag ba lumiwas sa tamang daan? ika'y mawawala ba sa patutunguhan?
Oh, mahahanap ang paraisong walang katotohanan?Susi nga ba ang sagot para mabuksan ang pinto?
Luha kaya ang sagot para maibsan ang lungkot?
Panatag ba ang loob? Kung iba ang ipinapakita sa panlabas na anyo.
Katotohanan nga ba ay totoo? Kung sa kisap-mata ay maglalaho.Walang kasiguraduhan ang buhay.
Ngunit ni minsan sa iba hindi makasabay.
Kaguluhan ng isip ay walang kasagutan.
Tanging sarili ang hahanap ng solusyon, sa problemang sinasalamin ng katinuan.Paglalakbay sa mundong hindi tunay.
Maling suhestiyon, sagot, at buhay.
Hahakbang ka pa ba, kung bangin na ang lalakaran?
Oh! mas nanaising umatras kahit walang kasiguraduhan.
Sa mundong mapaglaro, iklaro ang isipan at puso.
Pagkat hindi lahat ng nakikita ay totoo, dahil marami'ng huwad sa mundo...Salamat na agad sa pagbasa💜
Larkenechii
Mr_Agaxy
innocentxtar
Araxxie
LadyOfHisHeart
clearine_wp
kwiinmartha
AlyxJhoy
gamusian
bulanxx_zene
LadyLonelySadness
emeeeraald
BoukYakuu
BINABASA MO ANG
TULA (POETRY)
Poetry"Batang matayog na pangarap ay nais liparin, hayaang sumama sa naglalayag na saranggola sa papawirin. Tunguhin ko'y mailatha yaring akda na sa isipa'y nagkukumawala. Hayaang lunurin ang isip ng kathang tula at maihatid sa madla."