Nanginginig sa lamig.
Napaihip sa hangin.
Niyakap ang sarili.
Sa gabing madilim.Nakahalumbaba sa durungawan.
Hinihintay ang bakas ng iyong mainit na katawan.
Kalaunan ang tipak ng liwanag ay lumaon.
Isinara ang bintana ng kubong hilakbot ang naroon.Sa paghampas ng hangin sa dahon.
Malamig na simoy ng gabi.
Huni ng insektong kawili-wili.
Tila ako'y napapaidlip ng saglit.Pagmulat ng mata'y tumayo na.
Walang sinayang na oras at sumilip.
Sa klarong paligid, isang anino sa gabi'y nagmamasid.
Labi'y tumagilid, ngiti'y sumilay.
Ang aking irog hayon na't naglalakbay.Niluwangan ang makipot na bintana.
Muling nasilayan ang dugong buwan.
Muling naramdaman ang hanging tumiklop sa 'king katawan.
Isabay mo pa ang tahimik na paligid, at sumasaliw na alitaptap sa gilid.Ang itim na anino'y mas lumapit pa.
Ako'y nangamba pagkat iba yaring wangis niya.
Siya nga ba ang irog kong galing sa pangingisda?
Oh isa'ng estrangherong may maitim na balak.Gumagapang na kamay, lumuhod at humuni ng nakapangingilabot.
Balahibo sa katawa'y nagtindigan.
Mata'y napamulagat sa kakaibang nasaksihan.
Aninong sa malayong yaong nasilayan, kumakabig papalapit saking kinaruruonan.Sa nasaksiha'y hindi nakayanan.
Hinila ang kawayang tumutungkod sa dungawan.
Sa pagsara ng bintana ay siyang paghampas sa kubong biglang umuga.
Nanginig na katawan, napaluhat, napayakap sa katawan.
Walang magawa pagkat patulo'y sa pagyanig ang nilalang, ninanais tarangkahan ko'y mabuksan.Napalabi at nanginig sa huning nakapangingilabot.
Nagdumikdik sa masikip na sulok.
Luha'ng takot na banaag sa dilim.
Sinisigaw ang tulong sa paos na tinig, ngunit walang nakadinig.Nakagapos sa takot, walang laban ang sarili.
Ang malamig na ungol sa labas ay mas lumalakas.
Napapikit at tengay tinakpan, nawa'y walang tunog ang mapakinggan.
Kalaunan naging agresibo, napasigaw ng mabutas yaring kubo.Sa siwang sumilay ang mapula at puting mata.
Napalabi sa gimbal na nakita.
Ang malikot nitong mata'y napatigil saakin.
Nagpupumiglas at nagpilit ng ako'y masilayan, kinalabog ang lalim ng aking kalamnan.Ang nanakam niyang mata'y nakatitig saking katawan.
Napatili ng mawarak kugon sa tahanan.
Pumasok ang mabalahibong kamay, nanginig sa matutulis na kuko.
Yaon ko nasilayan ang pangahas na nilalang, tumutulo ang malapot at mapula nitong laway.Gumapang palapit sa aking kinarurounan, mata nito'y kuminang.
Dumila sa nanunuyot nitong labi.
Umangat ang ulo at umalulung ng kakapanindig balahibo.
Umarko ang likod nito, kita ang namamalat na buto.Walang pasubaling tumalon.
Sa kisap-mata saki'y nakapatong.
Umalulung muli't kuko niya sa katawan ko'y bumaon.
Pinaikot at pinalalim, hanggang sa kalamnan ay nanuot.Dumaloy na sariwang dugo.
Nagiisang hininga, talukap ng mata'y nangisay.
Napasigaw sa sakit ng tinutuklap na laman.
Dahan-dahang sumara ang pagod na mata, kasabay ng pagtulo ng luha.Walang awang pinagsaluhan ang gutay-gutay kong laman.
Walang tigil sa paghimasok ang natatakam na kalamnan.
Walang tinira sa aking sariwang laman.
Uhaw na uhaw na nilalang.
Pinagsawaan ang kawawa ko'ng katawan, hindi lang isa't sinama pa kalahing lalang...Biktima ng nilalang na laman ang kabusugan.
Ako'y pinagsaluhan ng uhaw at walang awang nilalang.
Tinuklap ang aking laman hanggang kaibuturan.
Walang pagsasawang inubos ang lahat ng yaman.
Napawi na ang kanilang uhaw, ngunit nanatili pa 'ring uhaw.
Sa laman ng tao at dugong tila sabaw.
Sinisipsip at hinihigop ng halimaw.Gabi-gabi sa baryo'y walang katahimikan.
Ang kapayapaan ay hindi maramdaman.
Patulo'y sa pagsalakay ang nilalang na uhaw sa laman.
At biktima ang tao'ng walang kalaban-laban.
Sa malupit at mapanakop na aswang...
BINABASA MO ANG
TULA (POETRY)
Poetry"Batang matayog na pangarap ay nais liparin, hayaang sumama sa naglalayag na saranggola sa papawirin. Tunguhin ko'y mailatha yaring akda na sa isipa'y nagkukumawala. Hayaang lunurin ang isip ng kathang tula at maihatid sa madla."