"paru-parong dumapo sa puso, pagaspas pa'y panibugho, bulaklak bakit natuyo?"

3 2 0
                                    

“paru-parong dumapo sa puso, pagaspas pa'y panibugho, bulaklak bakit natuyo?”

    lumuha ka't hayaang ireng ulan sandigan,
    dagling pagpuslit niring sakit
    naliwanagan. buhayin nawa nalantang
    kaisipan, masira nawa pugad ng kariktan.
    sawing puso'y ano'ng sakit? Pangamba'y
    tila matulis na tinik, sa sariwang puso
    dumugo't nagpapakasakit. higupin nawa
    niring kasawian ng ipo-ipong
    kapanatagan. dalhin nawa ireng
    kalungkutan ng daluyong na lumalaban,
    hamon ng pag-ibig pagtitibayan,
    luha niring sandata, sakit ang kalasag
    nawa'y magapi panibughong ako'y
    nakatali.

    kahayukan sa purong pag-ibig baliw
    na inaasam. kahit kasakita'y nakabalantay
    patuloy susuungin, lingapin ma'y walang
    saysay 'pagkat nauupos niring
    pagmamahal. tila isang kandila aking
    nararamdaman lumuluha sa nag-aalab
    na apoy impit 'kong nadarang.
    rosas na alay sayo'y dagling nalanta
    sa plorerang luha ang sisidlan. sumigaw
    ng impit at siphayo'y dumudurog sa
    panibughong namumuo'y agarang
    lumago. sa pusikat ng dilim nasa
    puno't nakayuko, umiiyak, lumuluha,
    dantayan ko'y puno'ng saksi sa sakit
    at pagluha.

“panyolito'ng alay tila kadenang gumagapos  sa ala-alang nakapiit 'pagkat paulit-ulit 'kong binabalikan. lisanin nawa ng makamandag mo'ng pag-ibig na tumutuklaw sa aking pagluha.”

Salamat na agad sa pagbasa💜

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon