Tila bangungot, isang pangyayari'ng masalimoot
Laging yakap ang takot
Pagkakamaling di kayang malimot
Bunga ng karahasang ginawa't idinulotMinsan aking itinatanong
“bakit sa dami ng tao'y ako pa?
Tanong na hindi masagot
Ang diyos ako'y nilimot na, hindi na ako naalalaGabing sa aki'y trahedya
Na sa panaginip nawa magising na
Pagod na akong tumangis pa
Sa pangyayari'ng ako'y nakahawlaHindi kayang limutin
Ang madilim na daan
Isang trahedya aking nadatnan
Ako ay tila iniwanan ng langit at lupa; at hindi binalikanMakakaya ko kayang umahon
Sa mapait na nakaraang dulot ng kahapon
Tila dagat na kay lalim, sisisirin hanggang bangin
Basta't mawaglit lang, aking kasalananMakakamit kaya namin ang hustisya
Kung kami'y mga dukha
Anong laban ng daga sa ahas, kung isang kagat lamang buhay ay pigtas
Palaging kampi sa mayayaman ang batas, basta't may perang iniaalpas
Mahirap man na paniwalaan ngunit ito'y nangyayari sa kasalukuyanPaulit-ulit na suntok, napakaruming ungol
Habang ikaw ay masaya, hawak ng mahigpit aking palad
Patuloy sa pananamantala, sa katawan kong isa ng basuraNang matapos ay iniwan, sa madilim na kasuloksulokan
Pighati't maduming luha ang aking nadatnan
Bunga na pananamantala at karahasanTila bangungot na gusto ko ng magising
Pilit sinasabing ito'y kathang-isip
Pero ito'y hindi panaginip
Sapagkat nagmarka ang karahasang nakuhaPapaano ko maiiwasan?
Kung mayroong bunga ang aking kasalanan
Makakaya ko kayang alagaan ang aking nasa sinapupunan
Na naging dahilan upang puri ko'y madungisan
Aking panginoon ako'y gabayan, puso ko'y inyong buksan
Sa isang batang aking nasa sinapupunan, dulot ng pagkakamali at karahasan...
BINABASA MO ANG
TULA (POETRY)
Poetry"Batang matayog na pangarap ay nais liparin, hayaang sumama sa naglalayag na saranggola sa papawirin. Tunguhin ko'y mailatha yaring akda na sa isipa'y nagkukumawala. Hayaang lunurin ang isip ng kathang tula at maihatid sa madla."