"NALANTANG PAG-IBIG."

7 2 0
                                    

Labing nanginig, mata'ng nanubig.
Sariwang alala'y inagam-agam.
Pikit matang iniwan.
Naglalayong puso ko'y masaktan.

Bulaklak ng pag-ibig
Namukadkad sa hilaw na tubig.
Bulaklak na nanginig.
Talulut tumikom sa bubuyog yaring umaaligid.

Taliwas na salita, maling kaisipan.
Naghangad ng mataas na kapangyarihan.
Naabot, ngunit agad ring nabitawan.
Sapagkat pag-ibig nawala ng biglaan.

Luhang natuyot sa mga pasakit.
Labing sabik sa haplit ng 'yong halik.
Katawan'g uhaw sa yakap na kay pait.
Pag-ibig na kay lapnit, tinupok puso kong sayo'y nag-iinit.

Higpit ng 'yong malamyos na yakap.
Iniisip na muling makamtan.
Kahit sa ala-alang iniwan, ramdam tamis ng pagmamahalan.
Kahit ito'y wala ng karapatan, na muling maramdaman.

Nalantang pag-ibig, hinagpis ng sakit.
Sakmal na pag-ibig, kapit sa patalim.
Tinarak na puso, dumugo sa hinanakit.
Yaong pag-ibig namatay, kakayanin pa kaya'ng mabuhay?

Sariwa pa sa murang ala-ala.
Kahapong binuo ng magkasama.
Layag ng puso't pag-ibig na sinisinta.
Heto't kinalilimutan kahit hindi kaya.

Walang oras ang aalis na walang bahid ng luha.
Kung saan isip ay dumadami't napupuno na.
Agam-agam ay ipinagpapatuloy pa.
Kahit matay mugto na, luha'ng susuko na.

Humahagubilis yaring pagguhit ng sakit.
Tuwing namamasdan ngiting saki'y ipinagkait.
Mata mong dati saakin nakatitig.
Ngayon nasa binibining iyong bagong iniibig.

Kapos ang palad na makamtan iyong pagmamahal.
Puso'y nasasakdal, sa luhay nasasakal.
Ngiting nais na mamasdan, ipinagkakait mo ng malapitan.
Pusoy ilusyonadang nais na maramdaman.
Tibok ng pusong ako'y ipinagsisigawan.
Kahit sa mapaglaro'ng isipan, malaman ko lamang.
Na ako'y iyong minamahal ng makahulugan.
Pawang ilusyon ang nararamdaman, yaring pag-ibig mo'y sa iba inilaan...

Salamat na agad sa pagbasa💜

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon