"ROSAS."

10 3 0
                                    

Rosas na ka'y bango, gandang taglay mo.
Tila'y napapa-ibig ng husto, sa halimuyak na namumukadkad galing sayo.
Nangingibabaw pa rin, ang bawat ala-alang tayo'y magkapiling.
Bagama't meron kang amoy na mabango, meron ding gandang di naglalaho.

Ngunit paano kung sa kabila ng kagandahan ng rosas na ito, may nakatagong hinanakit sa tinik na nakapalibot dito?
Makakaya mo kayang hawakan, kung mararamdaman ang hapdi n'yan.
Oo, nga't maganda. Ngunit may sakit ka namang iindahin.

Kung sa pag-ibig ay may kaginhawaan, pero sa huli ay kasakitan.
Kung sa ugali ay kabutihan, pero sa huli ay kasamaan.
Kung sa kaibigan ay kasiyahan, pero sa huli ay iwanan.
Kaya ang rosas anong ganda man, may tinik naman sa katawan, simbolo na sa huli'y matatangap ang kasakitan.

Rosas nga'y kadalasang regalo, sa mga mag kasintahang nagmamahalang tapat at totoo.
Ngunit binibini huwag patutukso pagkat alay nyang rosas ay may huwad na tinatago.
Pasensya na kung rosas ay mapaglaro, basta't huwag kalang magpadala sa gandang halimuyak nito.

Rosas na napakaganda, halimuyak mo'y nadadala.
Bango mo'y sumasama sa hanging naglipana.
Pati'y paro-paro'y natuwa ng ikaw ay makita.
Dumapo sa iyong kagandahan, ng matapos agad ka 'ring iniwan.

Huwag kang malungkot rosas, pagkat sa tamang oras.
Mahahanap mo rin ang paro-parong tatagal sayong ganda.
At hindi ka iiwan, hanggang sa mamukadkad ka.
Ngunit may lungkot rin akong nakuha, sapagkat rosas ay nalanta.

Sana'y rosas ang iyong kagandahan ay mapansin ng sinuman.
Hindi ka dapat talikuran, kapag tapos kanang pakinabangan.
Sapagkat kahit may tinik ka naman,
namumukadkad parin ang iyong kagandahan.
Na talaga namang kinapupusuan ng taong nangangailnagan...

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon