“Katalipandasan mo'y hindi mabanaag sa nagtatagong ngiti, katauhang ika'y pinupuri pagkat kay bango niring 'iyong ugali. Taliwas sa kaloob-looban mo' ng sumasangsang yaring baho.”
Tila anghel kung umasta't pabait-bait sa madla, ngunit katalipandasan pa'y nakikinita't naapuhap ng buwayang lumisya sa bitag. Damit pa'y di madapuang-langaw pagkat napupuno ng kinang; namumukadkad pagbabalat-kayo. Sinimot pa't pinagpyistahan magandang papuring ibinabato ng tao. Buwayang hayok sa mapanlinlang na pagkatao'y pinararangalan pa't binibihisan ng kabutihan kahit huwad kung talikuran. Dila anghel kung magsalita, ngunit demonyo sa gawa. Kahayukan sa pagpaparangal ni' halos madungisan pagkatao'y dagling huhugasan, kahit baho'y ka'y sangsang.
“punuiin mo't palaguin niring kubol ko'ng namumuo masaganang papuri ng mangmang na tao.”
Tao nga naman! Hayok sa pera'ng kumikinang, pakitaan ka lamang niring yaman dagling bibitaw sa dignidad ng katotohanan. Katarunga'y ano't nasusuhulan? Yaman ginawang kasangkapan para mabili katapatan, akusahan sa estado kamay nakagapos sa pera'ng nasisilaw mata'ng paraluman. Ipiniit ko'ng katarunga'y nagtutungayaw nawa'y palayain sa mapait na pagpapanggap–pakawalan ko ba't hayaang maka alpas kung pera ko'y mawawaldas. Pukawin yaring kaisipang nakakulong sa yaman, kalasan gapos ng pagpapanggap, maglalayag katotohanan'g nagtago sa katalipandasan.
“Nilasap na yaman, kapos pa't kulang yaring laman.
Uubusin pa't sisimutin, maliit na yaman'g paghaharian
Buwayang takam sa yaman, bungangang nabubusog sa kasamaan.
Panay katalipandasan mukhang namumuo kahayukan, yaman ang sandigan.”“Pulusin pa't paikutin, pigurang pinalilibutang–pagkagahaman. Pilitin'g palayain pangarap ko'ng piitay pasanin. Pagkalas pa't pagpapalaya sa puso'ng piniit sa pintuang pinasok ng kasakiman. Pagpalaya't pukawin pagaspas ng pagpapakatao't pagpapakatotoo piring may pumipigil sa bulag ko'ng kaisipan .”
Salamat na agad sa pagbasa💜
BINABASA MO ANG
TULA (POETRY)
Poetry"Batang matayog na pangarap ay nais liparin, hayaang sumama sa naglalayag na saranggola sa papawirin. Tunguhin ko'y mailatha yaring akda na sa isipa'y nagkukumawala. Hayaang lunurin ang isip ng kathang tula at maihatid sa madla."