"SA SUSUNOD NA HABANG BUHAY."

5 2 0
                                    

Kaya namang makayanan, ngunit mahirap kalimutan.
Sa sakit na iniwan, mahirap maibaon sa kalaliman.
Ang dagling paglisan mo'y kasakitan, 'pagkat naiwan ako'ng luhaan.
Sa pagyapos ng hangin siyang’ iyong paalam, at luha'y naglandasan.

Kahit pa na nahihirapan, handang ituloy ang kinabukasan,
Kahit ika'y wala na't mag-isa na lamang ako'ng lalaban.
Mahirap ipaglaban, mahirap maiwan, ngunit mas masakit na siya'y magpaalam.
Sa mundo'y lumisan at tinungo ang buhay na walang hangganan.

Kahit lungkot dumaraan, sa tuwing naiisip memorya natin'g dalwa'y nasisiyahan.
Ngunit sa kabila nito'y pagtilamsik na luha sa ating larawan.
Mahirap dumaan ang lungkot, 'pagkat aka'y nito'y labis na kalungkutan.
Sa rilim na aking kinasasadlakan, diwa'y pagod at nais ka'ng maramdaman.

Pag natuyo na ang luha, muling babalik ang ala-ala.
Muling dadaloy ang pinunasang luha, at mata'y mamaga.
Sa dagling paghinto ng tubig sa mata, ay siyang paglukot ng dibdib sa sakit na nadarama.
At muling pag-agos ng walang mapagsidlang luha, para ng awa, ika'y huwag kumawala!

Parang nahipan, sa hangin ay di 'namataan.
Nandilim na kapaligiran, naluyot na agam-agam.
Muling dumaloy ang pagak na luha sa kalaliman ng kalungkutan.
At nahipan ang liwanag na nagbibigay pag-asa sa'aking kalakasan.

Ang 'yong kandila, naupos at dagling lumuha.
Liwanag nito'ng tanglaw ay sa madilim namataan.
Sa madilim na gabi'ng ika'y hinahayaang kumatok sa nanlalabo ko'ng isipan.
Ngunit nasinagan ang 'yong kandila sa tapat ng iyong himalayan at panghabang-buhay na tahanan.

Init ay wala, panlalamig ang nadarama.
Sa malamig at masakit na kinagagalakan ko'y mainit mo'ng yakap ang nais madama.
Ngunit isang hangin lamang ang humalik sa pisngi't nagpadaloy sa luha.
Sana'y huwag ka'ng lumisan at bigyan ng init ang nanlalamig ko'ng isipan.

Hindi ba? pangako mo nung una, na sa huli'y tayo pa rin magsasama.
Tiwala'y iingatan, ngunit nabasag sa iyo'ng paglisan.
Baka naman sa susunod na habang buha-ay, ikaw pa rin, ang iibigin at pag-aalayan ng pagsintang kay tagal nais iparating.
Ha-ay, nawa'y lumisya't iwanan ako ng lumbay, sa pag-ibig mo'ng dagling nahimlay.
Na-lang, hanggang dito nalang, ika'y lilisan ng walang paalam, kay sakit aking kapanatagan.

'Di talaga inasahan, na ako'y iiwan sa malagim na gabing kadiliman ang namamataan.
'Di inaasahang ika'y lilisan sa gitna ng ating kasiyahan, at pag-ibig na sumisibol pa' lamang.
Ang pag-asang sa huli'y akayin ka sa altar ay naglahot naging bula.
'Pagkat nauna ka'ng tumungo sa altar ngunit sa tahanan mo'y nakahimlay, at basbasan sa tahimik na paglalakbay.

Magkagulo't magkagulatan, sa ala-alang iniwan, isang kayamanang kailangan'g pagkaingatan.
Mga gulo, away, tampuhan, at lambingang walang mintis, sa puso ko'y hindi mabubura't maalis.
Yaring pag-ibig na nabuo sa madaling panahon, ngunit mawawala sa kay tagal na paroroon.
Hihimlay ako sa bisig na ika'y nandoon at hahaplusin ang diwa mo, sa panaginip na ika'y hindi naglalaon.

Tahanang walang katapusa'y ika'y humimlay.
Sa bulaklak na namataan sa paligid ng iyo'ng tahana'y luha yaring sumisilay.
Natutulog na prinsesa'y binihisan ng puting bestida na sana'y sa seremonya ng ating kasal.
Ngunit nagpadalos-dalos ka't napiling isuot ito  sa'yong pagkamatay.

Pinagpaguran ko'y nasayang, mga bubuohing pangarap ay nawala ng biglaan.
Sa pag-ibig na naupos sa kalagitnaan ng sakit, nabuo sa isang maalamat na dalit.
Pagdurusang wala'ng rason, pagka't nasasayang lamang kung ipagpapatuloy ang nais mo'ng kahapon.
'Pagkat nauna siyang lumisan saiyong panahon.

Sa'n na napunta? Yaring saya't pangarap nating dalawa.
Ibabaon ba kasabay ng paglubog ng tahanan mo sa lupa?
Oh, kaya'y magpapatuloy sa paglalakbay na kamay mo'ng malamig ang akay?
Nawa'y mabuo ang kuro-kuro sa aking isipan, at malaman ang wastong daan, kung saa'y wala akong pagsisihan.

Hindi ba pangako mo nung una, na sabay tayo'ng tutungo sa altar na magka-sugpong ang palad?
Tiwala'y iingatan, na ito'y hindi mababasag ngunit 'di malilitikan.
Baka naman sa susunod na habang buha-ay, magkasama natin'g buohin ang naupos na pangarap ang maiharap ka sa diyos, at basbasan tayo'ng dalawang panghabambuhay.
Ha-ay, nawa'y pangarap ko'y magkatotoo kahit malabong maabot ito.

Hindi ba pangako mo nung una, na tayo'y walang iwanan, walang lilisan at walang magpapa-alam.
Tiwala'y iingatan, na sana'y pangako mo'y huwag mabahidan ng dumi, ngunit luha ang ipagtatagpi.
Baka naman sa susunod na habang buha-ay, sana'y tayo pa'y magtagal pagtagpuin ng tadhana at tayo'y wag nang magkahiwalay.
Ha-a-ay, pangarap na sa dalisdis ng langit at mahabaging diyos nawa'y mapakinggan yaring hiling na ika'y mamataan sa langit ngayon aking sinisinta.

Spoken poetry written by: Kleinthour

Ang akdang ito ay halaw mula sa awitin ng Ben&Ben.

Salamat na agad sa pagbasa.💜

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon