“lumabang karupuka'y dumadaloy sa nagbabaling buto, naghihikahos na hininga'y sinasambit na ’wag isuko.”
lalabang sagad-sagarang ibabalandra
niring mandirigmang tapang ay namamata.
sa panangga'y itatago yaring katotohanang
walang saysay sa tindig ng matapang
ngunit pagsugpo sa pag-ibig ako'y talunan,
manatili ka sinta 'wag akong iwan.
ikukubling sakit sa kasisiran ng kalooban,
walang pasaring ako'ng luluha sa sakit
at pagsigaw sa kawalan kung saan ako
nagkulang? sisitahin ang ulan kung bakit
hindi ako sabayan sa pait at sakit na
pinagdadaanan. bubuksan ang isip
na ako'y laruan lamang. isang laruang
ipaglalaban sa matibay na kalaban at
sa pagkapira-piraso'y tatawanan lang.
pag-ibig nga ba'y pahinga o bangungot
na 'di malilimutan sa pagmulagat ng mata?
mandirigma'ng walang pagsuko sa laban
pero talunan sa pag-ibig na tumungo
sa bitawan. hahayaan bang putulin yaring
pising sa'ting dalawa'y namamagitan
o hayaang lumamat hanggang maputol
yaring sakit na nararamdaman? sa pulutong
ng pana'y sakit nakamtan yaring ligayang
inaasam dagling naglaho sa kasakitan.
kay tagal kitang inasam tila bituing
pinagmamasdan sa kalawakan ngunit
ng maging akin ka'y pawang sakit ang
kahahantungan. isa nga akong mandirigma
na sana'y kaya kang ilaban sa ating
paghihiwalayan pero mas pinili mong
bumitaw ng biglaan.“sinta, naisin ko ma'ng ilaban ang pag-iibigan nati'ng dalawa pero ikaw ang gumawa ng daan para ito'y tapusin na. paalam muli aking mundo, butuin, kalawakan hindi na kita pagmamasdan pagkat isa kang sakit na kay hirap kalimutan.”
Salamat na agad sa pagbasa💜emeeeraald
Larkenechii
BoukYakuu
Alleatresvhiane
Jennyyyyy08
Mr_Agaxy
bulanxx_zene
LadyLonelySadness
gamusian
clearine_wp
maikavene
Araxxie
LadyOfHisHeart
kwiinmartha
AlyxJhoy
munkiachiche
BINABASA MO ANG
TULA (POETRY)
Poetry"Batang matayog na pangarap ay nais liparin, hayaang sumama sa naglalayag na saranggola sa papawirin. Tunguhin ko'y mailatha yaring akda na sa isipa'y nagkukumawala. Hayaang lunurin ang isip ng kathang tula at maihatid sa madla."