"ANG TINIG NG MALAYANG IBON, SA TINIG NG NAKAREHAS NA IBON."

7 5 0
                                    


Tinig ng malayang ibon, nakakaligaya.
Nakabukang pakpak at malayang lumilipad,
Sa paglayag sa hangin, dumapo't umawit sa punong malilim.
Ito'ng awit niya'y puno ng pag-ibig, walang dalit, sakit. Kalayaan nais ipabatid.

Dati'y pawang kapayapaan nanahan,
Espiritu ng kapaligiran, nasisiyahan.
Mga dahong sumasayaw, hangin'g umaawit,
Kay sarap manahan sa mayuming inang kalikasan.

Dati'y pawang kagandahan namamasdan,
Sa dilim ay nagsasayawang bituin.
Sa liwanag na mga ibong nagsasaya sa hangin.
Oh, kapaligiran dakilang inang kalikasan, ako'y sayo'y mananahan.

Dati'y pawang kabutihan nararamdaman,
Likas sa tao'ng magtulungan, lalo't sa gitna ng kagipitan.
Masayang iidlip sa tawa, awit, sayaw nilang kay mangha.
Kaligayahan ba'y nakamtan ko na?

Dati'y pawang katahimikan nadidinig,
Ihip ng hangin'g naglalaro, patak ng ulan sa lupang pangako.
Hamog na nakasuyo sa bulaklak, sa pagmukadkad paro-paro'y lumipad.
Pag-asa ba'y muling malalasap, ng ibong nakatali ang paa't nakarehas?

Huni ng ibon'g ito'y kay rikit, sa awit niyang puno ng pag-ibig, walang mapagsidlan ang awit niyang tila musika sa pandinig.
Nawa'y pakinggan natin ang awit niyang puno ng kaligayahan, siyap niyang kapanatagan mauulinigan.
Sa maliwanag na gabi, ang tahanang luntian ay nagaganyak at sariwa sa malamig na yapos ng hangin. Tila ako'y naiidlip.
Kalayaan'g walang katapusan, tagumpay na dagling nakamtan, ligayang kay sarap maramdaman.

Tinig ng nakarehas na ibon, masulasok.
Lagpak ang pakpak at nagkukumahog sa takot,
Walang mapagsidlan'g hikahos, yumi'y nakatago't nanabi sa sulok.
Kailan oh laya makakamit? nanabik sa pagpagaspas sa paligid.

Ngayon kapayapaa'y naglaho, napaltan ng laban sa pagitan ng sariling lahi.
Iisang dugo ang naglalaban para sa prinsipyo'ng iisa lamang?
Hangal at walang kaisipan, nagpapatayan sa diwang iisa ang namamagitan.
Hindi batayan ang baril, kutsilyo, mga bomba para ilaya ang bawat-isa, kundi tayo'y hayaang maging isa.

Ngayon kagandaha'y naglaho na.
Masdan mo ang kapaligiran, natutuyo't nakakalbo ang puno, nauubos na likas na yaman.
Ano'ng masaklap pa'y sariling lahi ang umaapi sa inang kalikasan.
Kung dati'y kagandahan ang parang, ngayo'y naglalakihang gusali at usok ng makina at pabrika ang namamasdan.

Ngayon kabutiha'y malimit na, panay masamang loob na ang namumunga.
Kung dati'y payapa kang maglalakad sa gabi, ngayo'y isang pikit mo lang hubad at pantay ang paa ka nalang sa tabi.
Kay gulo ng mundo, kabutiha'y dahan-dahang nauupos, kabataa'y nalulugmok sa bisyo.
Ano nga ba ang rason? Nawa'y magising ako'ng nasa tahimik na ang panahon.

Ngayon katahimika'y isang lagim,
Wag mananahimik sa lilim bagkos sumigaw ka ng palihim.
Ano'ng saysay ng katahimikan? Kung ang nanahimik ay bunga ng karahasan?
Mas maiging manahan sa magulo upang maisigaw ko ang hinanakit at daing ng tao.

Hiyaw niya'y kalayaan! Mahabagin ako'y kaawaan, palayain ako sa rehas at gapos ko'y pakawalan.
Nawa'y kahabagan mo ako't dinggin ang siyap at iyak ng ibong laya ang nais makamit.
Sa madilim na araw, at tahanang bakod ang natatanglaw, nais ko'ng manahan sa malaya'ng panahon, at maglayag na hindi nakagapos sa kuko ng karimlan.
Luha ng nakagapos na ibon, tinatanglaw ang kalayaang 'ni minsa'y hindi makakamtan...

Salamat na agad sa pagbasa💜

emeeeraald
Larkenechii
BoukYakuu
Jennyyyyy08
Mr_Agaxy
bulanxx_zene
LadyLonelySadness
Alleatresvhiane
gamusian
clearine_wp
maikavene
Araxxie
LadyOfHisHeart
kwiinmartha
AlyxJhoy
munkiachiche
Jeeyems
dandelions73
deliciousime

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon