"NAGLAHONG PAG-IBIG."

3 3 0
                                    

Ngiti'ng walang kapantay, pag-ibig na makulay
Labi mo'ng kay lambing, tinig na nakakahumaling.
Yakap na kay sarap, duyan tila alapaap
Pag-ibig mo'ng kay init, na humahaplos sa pusong nanlalamig.

Kamay na magkahawak, ngiti sa labi'y kay lawak
Mapupungay na mata, namamasdang lubos na pagmamahal sinta
Aking ginoo, lapatan mo, ng wagas na pag-ibig ang puso ko
Hayaan mo ako'ng iparamdam sayo, ang lubos na pagmamahal ko.

Ginoo'ng aking panambitan, ang aking sandalan sa gitna na kasakitan
Pinutol ang lubid na sati'y namamagitan, at walang ginawang paraan para masolusyunan
Yakap mo'ng dati'y kay lambing, ngayo'y ano't lamig?
Maibabalik pa kaya ang wagas na pagsinta, kung ang mahigpit mo'ng yakap ay lumuwag na.

Hindi ko alam ang dahilan, hindi mahanap ang pinagmulan
Ayaw nang masaksihan, ang sakit sa puso'ng salawahan
Naglaho na ang pagmamahalan'g binuo sa masaya'ng nakaraan
Na ngayo'y isa ng mapait na ala-alang 'di na muling babalikan.

Nag-laho'ng pag-ibig, alab nang puso'y uurong kakabig
Pangalan mo ang bukam-bibig, ngunit salat sa pag-ibig
Ninais kang makamtan, kahit pag-abot sa langit ay nakipagsapalaran
Ngunit malalaman nalang sa kawalan, na ako lang ang sumusubok at lumalaban sa 'ting pagmamahalan.

Ika'y tila isa'ng bagyo, sinalanta ang tahimik ko'ng isip at puso
Nadala ng nag-raragasang kauhawan, sa pag-ibig mo'ng dapat di pinahintulutan
Nasira'ng tiwala'ng 'di na makumpuni, tila nawala ang nais na mithi
Nagpalubog sa dakilang pag-ibig, di nagawang umahon sa lalim ng pintig nang dakilang pag-ibig

Isip ko'y balisa, ngiti ay wala ng bisa
Hindi maitago'ng emosyon, nakapaskil sa mukha'ng mugto sa kahapon
Di magawang makawala sa rehas ng iyong pangako, iniisip na hindi mapapako
Nagpatuloy lamang ako'ng manalangin, dinggin ang aking mithiin
Luha ay wala ng piring, pagkat umaagos sa sakit ng damdamin

Iniwan mo ako kung kailan durog na ako, walang araw na hindi mabuo
Ang luha at sakit na panibugho, ayaw ko nang lumuha, mata'y suko na.
Labis na pagdaramdam, patulo'y na pagagam-agam
Ayaw ko nang muli pang balikan, ang binuo'ng kasiyahan natin sa nakaraan

Naglaho't iniwan mo ako, naglalakbay sa dalampasigan'g saksi sa lungkot na dala ko
Tangin'g buwan na lamang kasabay
ng ulan, sumabay sa pagbuhos upang ako'y damayan sa kapighati'ang nararamdaman.
Bugso ng damdamin ay hindi na hahayaan, tumibok sa puso ng sinuman
Pagod na ako'ng masaktan at iwan, na ako lang ang maghuhupa sa sakit na naramdaman.

Nag-laho'ng pag-ibig mo'y di malimot
Tila isa'ng panaginip na saki'y bangungot
Kung saan iniisip na magising na, para malimutan sakit na nagbabadya
Isa'ng luha'ng masalimoot, nakabalot pa 'rin ang lungkot
Hindi na muling bubuklatin ala-ala'ng ginusot, at ibabaon na sa limot.
Handa na ako'ng bumangon sa pagkakalugmok, at muling sumabay sa agos ng nakaatang na pagsubok...

Salamat na agad sa pagbasa💜

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon