"INIWAN MO'KO, SA PANAHONG IKAW ANG KINAKAPITAN KO."

10 5 2
                                    


Irog ko, pagod kana ba? Kaya ninais mong ako'y limutin na.
Iniwan mo'ko sa panahong ako'y bagsak na, at ang katawan ko'y hindi na kaya.
Kung aking mga pakpak, ay dina kayang umangat kaya nahulog at lumagapak.
Masakit mahal ang iyong paglisan, dinaramdam ko ito ng lubusan.
Buhay ay wala ng kasaysayan, buhat sa pag-iwan mo sakin'g dahilan upang ako'y mag-isang luhaan.

Nawa'y isip ay magbago, bumalik kana sa piling ko.
Puso'y patuloy na nagdurugo, ng pag-ibig ko sayo'y mabigo.
Akala ko ikaw na, pero hindi pa.
Kupido bakit moko ginanito? Pinana mo ang puso ko sa maling tao.

Iniwan mo ako sa panahong lugmok at pagod nako, wala akong masandalang balikat mo.
Na sana'y makakapag pagaan ng loob ko.
Iniwan moko ng biglaan, na di alam ang dahilan.
Dumating ang araw na aking nabalitaan, ika'y nakipag-isang dibdib sa aking kaibigan.

Kaya pala ako'y iyong pinakawalan, dahil sa pusong salawahan.
Panginoon ko, puso'y bigyan ng kapanatagan.
At sana'y luha koy huminto na sa paglandasan.
Sapagkat ako'y pagod ng paulit-ulit na masaktan.

Iniibig kong ginoo, iyan na ba ang pasya mo?
Magiging masaya ka ba sa napiling desisyon mo?
Handa kang talikuran ako, at mas piliin ang kaibigan ko.
Ika'y aking palalayain na, at handa ng muling magisa.

Dati'y kapit kamay pa tayo'ng naglalakbay sa dalampasigan.
Dinadamdam agos ng dagat sa ating paanan.
Ngiting walang katapusan, dahil sa magandang araw na ating pinagpaplanuhan.
Ngunit ngayon ako'y nag-iisang nakaupo sa tabi na karagatan.
Sinasariwa ang araw na tayo'y puno pa ng pagmamahalan.

Ang pag-iwan mo saki'y di madaling kalimutan.
Parang karayum na patuloy ako'ng sinusugatan.
Hindi maghihilum kahit kailanman.
At diko malilimutan, kung saan ako'y iyong sinayang.

Hindi na muling susubok, na muling magmahal at puso'y tumibok.
Iiwasan na lalaking sa puso ko'y kakatok.
Hindi pagbubuksan, dahil puso'y hindi na magagamot.
Nang huwad mong pagmamahal na saki'y bangungot...

Salamat na agad sa pagbasa💜

emeeeraald
Larkenechii
BoukYakuu
Mr_Agaxy
bulanxx_zene
LadyLonelySadness
Alleatresvhiane
kwiinmartha
innocentxtar
gamusian
clearine_wp
maikavene
Araxxie
LadyOfHisHeart
AlyxJhoy
munkiachiche
Jeeyems
dandelions73
deliciousime

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon