"KAMARA'NG GIPALPAL NIRING SAKIT PA'T LUNGKOT."

14 3 0
                                    

(Tercet Poem)

Nakamasid ko'ng mata'ng gipalpal niring luha't lungkot.
Kamara'ng pinalibutan ng sakit, tuliro'ng pagiisip.
Hangganan ko'y nakikinita, paano'y alipugha sa'yong pag-ibig?
Kaisipan ko'y pagod ng simutin ala-ala'ng binabalikan, kapagura'y lumatay may hindi kalilimutan.

Dagling lumuha't bumalantay niring sakit, twing nakaraa'ng inukit; bumabalik.
Himukin at turuan nawa niring puso'ng limutin ka't palitan.
Naglalayang hindi maapektuhan at masaktan, twing namamasdan ngiti mo'ng iba yaring nakalaan.
Luha! Ano ba't kay rupok mo? Tila amag na't hilahil sa puso.

Kusang kakawala niring sakit sa kandadong humihigpit sa puso't, aalpas.
Dagling ibubuka niring pakpak ko'ng kay tagal nais malasap kalayaan sa sakit.
Umawit ng pagpapalaya, tumula ng pagpapaubaya, lumuha na't ika'y pinaparaya.
Kukusuting luha'ng tumulo sa pisngi, magiiwan matamis na ngiti, kalilimutan ka't wala ng sipi, puputuling namamagitan satin'g pisi.

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon