Sa bawat kumpas ng panahon, nakatitig sa kawalan.
Saksi ang buwan, sa luhang umaalpas sa kadiliman.
Bagamat mag-isa lang, dinamayan ng malamig na hanging yumakap sa likuran.
Napapikit, napakagat labi, pinipigilang umiyak sa tahimik na gabi.Kumpas ng oras, halik mo'y nais madanas.
Walang gabing hindi napapatingin, sa salaming luha ang supling.
Tinahob na mata, ipinikit ng bahagya, luha muling kumawala.
Pagod na ako, tama na ang luhang patuloy na dinudurog ako.Kumpas ng sakit, heto't nanatiling napapadaing ng papikit.
Dinurog na pag-ibig, nabuo ng wasak, nalusaw ng mainit.
Pikit matang isinantabi, sakit na walang habas na sa pusong itinatali.
Ipinilig na ulo, inisip na magkatotoo, namulat na wala ng totoo.Kumpas ng panahon, lilimutin na ang sakit at hahayaang maglaon.
Makakamit na muli ang nagtagong ngiti.
Wala ng papaskil na lungkot sa bawat sandali.
Nagparaya't nagpalaya sa 'iyo ng walang pasubali.Kumpas ng tikitik ng oras, minutot segundo'y wala ng luha ang aalpas.
Kumpas ng panahon, sakin na ibabaon, limutin at hayaang sumama sa nagraragasang kahapon.
Kumpas ng daliri, di mabilang na ngiti, ipapaskil na't walang hindi.
Lalayag sa sakit, aalpas sa luha, maglalayag sa bagong ligaya, liliparin bagong pag-asa.Dumaloy na luha, bumalik ka sa piling ko?
Gumuhit na sakit, tatanggapin pa ba pagsuyo mo?
Nakawalang pagdurusa, muli bang mararamdaman ng sarili ko?
Tama na, ahon na, sa lalim ng tubig na ilusyon ang bunga.Hinayag mo uli ang nararamdaman mo, sa mesang walang hapag.
Humpay ng iyong pagpapatawad, walang tiwalag.
Pagmamahal na ikinakabig, kahit malayong ibuka yaring bibig na tanggapin yaring pag-ibig.
Dahil sa bawat kumpas, bawat bukas, walang lunas, sa pusong pag-ibig sayo'y nagwawakas.Hinatak sa madilim na gabi, umupo sa buhanging napangiti.
Daloy ng dalampasigang kinakapa yaring binti.
Naglakad na wala ng problema't sakit sa bawat sandali.
Hayan na, malapit na, nararamdaman ko na, kasiyahang walang duda.Pumagaspas na pakpak, inangat napapagod na pangarap.
Luhang puno ng saya, tinanggap singsing na nakakatanggal hininga.
Ngiti ng bawat isa, Kay tamis yaring talaga, pagsintang nakakahalina.
Halik na walang impit, yakap na mahigpit, kasal na binuo ng sayang di mapigil.Kumpas ng pag-ibig, lahat ng bagay hindi makaka urong ni kabig.
Pagkat pag tumugon bugso ng damdamin, walang araw na ngingiti ka ng palihim.
Kapag pag-ibig ay napansin, sakit ay walang puwang na mapansin.
Sayang nakahuhumaling, ngiting nakasisilaw sa dilim.Talulut ng pangako, dahan dahang naglagas at lumaho.
Pag-ibig na sa diyos ipinangako, heto't pilit ng isa'ng itinatago.
Sakit ba'y titira nalamang sa aking puso?
Wala na bang puwang na kasiyaha'y manatiling nakapako?Diyos na mahabagin, bakit kasiyahan ko'y ipinagkait sakin.
Wala na bang karapatan, maangkin sukdulang kaligayahan?
Napaluhod, napaluha, sayang agad ring kinuha.
Lungkot ang ipinalit ng bahagya, sa pusong nagtatagis ang luha.Nawa'y hindi na muling nagpatiunod sa hampas ng pag-ibig.
Kung ganoo'y hindi nalatayan ng matinding sakit
Wala na sanang umusbong na bawal na pag-ibig.
Sa larangan ng pusong natatalo't, walang laban sa larong binuo ng pakabig.Kapit dahang-dahang lumuwag, tawa pagak at nabuwag.
Luha walang awang bumagsak, pagod naramdaman muli ng wasak.
Sakit na napipilan, yaring sigaw na itigil na kahibangan.
Ano't bakit hindi mapiringan at maturuan puso na sa iba ilaan? at totoo ang manginabang.Palalayain na ang sakit sa huling sandali.
Sa bawat kumpas na sa sarili'y mamayani, wala ng ala-alang hahanapin.
Hahabi ng saya sa pusong sarili lang ang maghahari.
Sa kahariang ako at ako ang reyna at hari.Sa bawat kumpas ng ngiti, hindi huwad ni tagiti bakas na walang pasubali.
Sa bawat kumpas ng luha, limot na, hindi na babalik sa kahapong binuo sinta.
Sa bawat kumpas ng pag-ibig, nahanap sa paraisong namumukadkad sa dilim.
Hahanapin ang sarili, tutuklasin ang mali, pag-ibig na di hahayaang sumabit sa ngiti.
Walang pag-ibig, walang sakit.
Walang luha, ngiti sa bawat saglit.
Kumpas ng puso, kumpas ng sayang abot langit, kumpas na hindi na titibok sa maling paggamit...Salamat na agad na pagbasa💜
BINABASA MO ANG
TULA (POETRY)
Poetry"Batang matayog na pangarap ay nais liparin, hayaang sumama sa naglalayag na saranggola sa papawirin. Tunguhin ko'y mailatha yaring akda na sa isipa'y nagkukumawala. Hayaang lunurin ang isip ng kathang tula at maihatid sa madla."