"tanikala ng karimlan: ako ang iyong parusa."

8 3 0
                                    

"tanikala ng karimlan: ako ang iyong parusa."

bentang-benta niring katawan sa
tampalasang hayok sa pagmamayari
ko't laman, leong sabik sa pagnanasang
maabot rurok ng kaligayahan, ako ang
parausan. nakagapos niring kamay sa
dahasang pagsabak sa labang pera
ang batayan. walang laban'g isusuko
sarili, buhayin niring kaluluwang sa
demonyo'y ipinagbili. ako si nena
dalagang matayog pangarap, ngunit
dagling lumagpak pagkat kahirapan
sa buhay ay naglalayag, kaya ako'y
nalunod sa maling pagkakakitaan.
kung saa'y ibeninta niring maduming
katawan.

walang labang ipatas niring sarili sa
dakila't marangal na trabaho, isa lamang
dalagang elemantarya niring natapos ko.
walang tumatanggap saking asyoso, kaya'
iginapos niring buhay sa patalim na ako'y
dinudurog sa kamay ng ginoong pagpapa-
sarap nanalaytay sa katawan, ako'y -
kalapating mababa ang lipad, hangarin
ko'y ilaya niring katawan sa mapag angkin,
ilaban ang sarili sa lumulubog na hirap
bakas ng dumi; paano pupunasan?
gayong ako'y pinagpasa-pasahan.
kadenang pumipigil sa niring adhikaing
nais masaling sa pagitan ng sakit at hirap
lalayag niring nakabukang pakpak,
sasabay sa samyo ng bulaklak, lalangoy
sa hanging dadalhin niring maduming
katawan sa batis ng kalinisan. ngunit
sa pagmulagat ng mata isa pa rin ako'ng
babaeng marumi na, at kalahi ni
magdalena..

"linisin mo't salupin niring tubig sa batis na yaring kalinisan mo'y dagling napalis, sa mithiing matayog sa kalangitan."

Salamat na agad sa pagbasa💜

TULA (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon