Ipinapakita'y kasiyahan, sa likod ng kalungkutan
Nagbibigay ng salitang kalokohan, ngunit tinatago luhang nagbabadya'ng mag-bagsakan
Ngiti'ng namamasdan, luha ang nasa likuran
Mga taong magaling itago ang nararamdaman, tulad ng maskara'ng huwad sa harapanMaskara ang aking ginagamit na sandata
Para maikubli lungkot at sakit na nakuha
Ngiti ko nga'y tila walang binabadya, pero naguumapaw ang tagong luha
Nakakapit na emosyon sa mukha, hindi maikubli twina, kaya ninais na magmistulang maskaraPagod na ang mata't mugto na
Mga luhang pagod na sa paglandasan, na hindi kayang punasan
Nang panyo'ng naging dahilan, upang kapighatian ko'y di magamot
Isip na lito, pusong sugatan, iniwan sa gitna ng kahinaan; kung 'san walang balikat mo'ng masasandalanAkala ko tayo na, akala ko ikaw na
Pero hindi pa pala, nawa'y hindi na umasa
Kung sakit lang ang makukuha, at hindi na naging maligaya kung sa huli'y masasaktan
Kahit ikinukubli ang emosyon sa maskara, hindi maitago ang dungis na nakuhaHanggang dito nalang ba? Ang pagmamahalang binuo sa twina
O, buburahin nalang sa isip ko aking sinta
Ang ala-ala'ng binabalikan at sinasariwa, kung san masaya pa tayong dalawa
Walang lamat sa ating pagmamahalan, walang dumi't hindi pa nasusugatanPero sabi nga nila "walang Permamente, lahat aatras at aabante"
Nung una'y di naniwala, nang naglaon ay naramdaman
Iniibig mo lang ako sa patago, taliwas sa harap-harapan
Ginamit mo lang ako para malimutan, Ang sakit na nakuha mo sa iyong dating kasintahan.Hindi mo ba alam? Na mayroon din ako'ng nararamdaman
Paano mo nagawang ako'y lukohin?
Kung 'san ang pagmamahalan ko sayo'y lalo pa'ng lumalalim
Pero dapat hindi ako nagpahulog sa patibong ng iyong nararamdaman
Kung saan tila lason na pumapatay sa aking puso't isipanMaskara ang aking sandata, para maitago ang luha, sakit, na sayo'y nakuha
Hindi na muling susubok na magmahal, dahil sa huli'y wala ring saysay
Dahil luha ko'y muling aagos, walang tigil at patuloy, na tila agos ng talon
Maragasa't sin rubdob ng balon, Hindi na muling iibig kahit sa huling sandaliMaskara'ng ginamit para luha'y maikubli
Salamat sa 'iyo, naitago ko ang sakit na naramdaman ko
Hindi man madaling malimutan, pero naitago sa kadulohan
Hindi na muling gagamit ng maskara
Pagka't wala ng emosyo'ng itagago pa, dahil handa ng muling masaya
Sa piling ng aking pamilya, salamat maskara, hanggang sa muling pagsasama...
BINABASA MO ANG
TULA (POETRY)
Poetry"Batang matayog na pangarap ay nais liparin, hayaang sumama sa naglalayag na saranggola sa papawirin. Tunguhin ko'y mailatha yaring akda na sa isipa'y nagkukumawala. Hayaang lunurin ang isip ng kathang tula at maihatid sa madla."